Friday , December 1 2023

KC, ‘di raw kayang makaarte sa harap ni Sharon (Sa pagbabalik Kapamilya ng Megastar)

ni Rommel Placente

112814 sharon kc

SA isang interview ni KC Concepcion ay hindi niya kinompirma o idinenay ang balitang babalik na ulit sa ABS-CBN 2 ang mommy niyang si Sharon Cuneta. Ang tanging nasabi lang niya tungkol dito ay siguro at hopefully.

Pero naniniwala si KC na hindi talaga maiiwanan ng tuluyan ng Megastar ang Kapamilya Network na nag-alaga sa kanya sa loob ng maraming taon. Alam din niya na hindi kayang pakawalan ng Dos ang ina ng ganoon na lang.

Wish lang ni KC na bumalik nga ang ina sa Dos para magkasama ulit sila sa iisang estayon. Pero ayaw daw niya itong makasama sa isang proyekto dahil hindi niya alam kung makakaarte siya sa harap nito.

Tungkol naman sa ginawang pagpapapayat ng ina, sabi ni KC ay 30 lbs. na raw ang nababawas sa timbang nito. Nakita niya raw ang determinasyon at kaseryosohan ni Sharon sa pagpapapayat.

 

About hataw tabloid

Check Also

Lolit Solis Andrea Brillantes

Lolit Solis kay Andrea: pinaka-promising youngstar ngayon kaya crush ng bayan

MA at PAni Rommel Placente NAAAWA ang talent manager at kolumnistang si Lolit Solis kay Andrea Brillantes dahil sa …

Andrea Brillantes ine-enjoy ang walang ka-loveteam

Andrea kaliwa’t kanan ang endorsements kahit nega

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoo ang nasagap namin, this 2024 daw ilalabas ang mga …

Blind Item, excited man

Male starlet na dating pa-book nagbayad maka-date lang si poging male star 

ni Ed de Leon TAWA nang tawa ang isang showbiz gay dahil nang ipakita raw niya ang …

Blind Item, Men

Ilang talent manager pinepersonal ‘pag nababanatan mga alaga

HATAWANni Ed de Leon MAY mga talent manager naman kasi na pinepersonal basta nababanatan ang …

Shirley Kuan Lolit solis Bea Alonzo

Pagbabati nina Lolit at Shirley ‘wag ipilit

HATAWANni Ed de Leon AKALA namin noong sinabing nagkasundo na sina Lolit Solis at Bea Alonzo, forgive and …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *