Jomari, pinakamatapang na artistang nagpahayag ng saloobin vs. PNoy
ni Alex Brosas
ANG tapang pala ni Jomari Yllana. So far, sa kanya ang pinakamatinding reaction about the 44 fallen SAF members.
βAng akala nila, parang video game lang…..Nag-ensayo lang at pinasubukan… Sigurado ako, kahit dati na hindi ka corrupt…Pero, garantisado na ako na isa ka ngang tanga! Lahat ng nasa gabinete mo mandarambong… Sana, pagkatapos dumaan ng sasakyan ninyo sa daan na nagkukunwaring matuwid ay dumiretso na rin ito sa impiyerno… Kasama ng mga dayuhang mapuputi na napakahusay magsinungaling… Napakahusay na mandurugas at napakahusay mag-angkin ng lupaing hindi kanila… Ikaw na!!! Ikaw na ang pinaka-tangang presidente sa kasaysayan ng Pilipinas!!!β
βYan ang walang takot na post ni Jom sa kanyang Twitter account. Sinasaluduhan namin si Jom sa kanyang matapang na pahayag. βYan ang tunay na matapang at may sense. Itβs time na magkaroon tayo ng artistang may balls talaga na ipahayag sa publiko ang kanyang saloobin.
