Sarah, sexy pa rin kahit nanganak na

ni Alex Brosas

020215 sarah lahbati

MALAKI ang role ni Sarah Lahbati sa Liwanag sa Dilim na pinagbibidahan nina Bea Bineneat Jake Vargas.

Siya si Minerva, isang misteryosang babae na nakunan ng video ni Jake. Siya ang pinagbibintangang sanhi ng kamatayan sa bayan ng Estancia.

Sexy pa rin si Sarah, parang hindi nanganak. Tinanong siya kung major adjustment sa kanya ang paggawa ng movie since mayroon na nga siyang anak.

β€œNasanay na kasi akong matulog ng maaga after I had Baby Zion. By 8 p.m. usually ay tulog na kami at maaga rin kami gumising. So sa shooting, kapag puyatan na, I have to take three cups of coffee to keep me awake. Kinaya ko naman. I’m really glad to be part of this movie kasi maganda talaga ang role ko as a woman with many secrets. Maraming revelations na magaganap sa character ko,” chika niya.