Saturday , December 3 2022

Sarah at Richard, uunahin munang ayusin ang away ng kani-kanilang ina bago magpakasal

ni Roldan Castro

020215 sarah lahbati richard gutierrez

HINDI totoong inisnab nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez ang grand wedding nina Dingdong Dantes at Marian Rivera .Na-stuck-up daw sila sa Malapascua Island sa Cebu kaya hindi nakadalo. Sinisisi niya ang isang airline dahil naiwan daw ang luggage ni Zion sa Manila at pagkatapos ay nagkabagyo pa raw sa Malapascua kaya na-delay ang kanilang flight at nagpa-rebook pa sila.

“So we stayed siguro additional 2 or 3 days pa roon,” paglilinaw ng aktres sa presscon ng pelikula niyang Liwanag sa Dilim na showing sa February 11.

Nakaplano naman daw talaga ang pagdalo nila ni Richard sa nasabing kasal.

“Kaibigan naman namin sila and you know, Chard has been working with Marian for several years and we had plans naman to go,” aniya.

Kailan naman sila magpapakasal ni Richard?

“I don’t think this year will be the year where we will focus on something else. Right now kasi, we wanna focus on Zion (baby nila ni Chard). I know I keep on saying this, pero ako kasi, parang nakikita ko pa rin siya na baby and ‘di ko matanggap na tumatakbo na siya, malapit na siyang magsalita, so gusto ko i-enjoy. Ayokong i-regret na hindi ko in-enjoy ‘yung time ko with Zion and ang inatupag ko ‘yung sarili kong desires and sarili kong buhay. I want to spend time with my son,” sey ni Sarah.

“We know that it’s not our priority right now because there are so many things to consider and so many other issues. And pwedeng magkaayos muna ‘yung parents namin, ‘di ba? Pwedeng ‘yun muna?” dagdag pa niya.

Ang sinasabi ni Sarah ay ang alitan ng kanyang ina at ni Annabelle Rama na hindi pa pala naaayos.

Hindi ba sila gumagawa ng paraan na magkabati ang dalawa?

“I’m doing my part, Chard is doing his part, I respect my mom, I respect tita (Annabelle), I love my Mom, I love tita, the only problem is ‘yun nga, nagkakaroon lang ng in-laws clash which is actually normal. It actually happens sa lahat ng in-laws. I’m sure you know what I’m talking about and hindi naman ito World War 3, so may pag-asa pa na maging okay,” pakli pa niya.

“Well, we keep trying, pareho na silang nag-forgive and forget, ang next step na lang is for them to meet and talk. That’s the only thing we’re working right now,” sey pa niya.

May plano ba siyang magka-baby ulit?

“Siguro, mga 3 or 4 years pa,” tugon niya.

Mauuna ba ang kasal bago sundan si Zion?

“We’ll see. For me naman, I don’t think it’s a sin that we have Zion and we’re not yet married because before having Zion, we already knew that we wanted to spend the rest of our lives with each other. Because we knew that we’re gonna get married at one point. Mas nauna lang si Zion but we’re slowly getting there,” deklara pa niya.

Basta sa ngayon nasa Liwanag sa Dilim ang concentration niya dahil nagsisilbing comeback movie niya ito kasama sina Jake Vargas, Bea Binene, Igi Boy Flores, Rico Blanco, Sunshine Cruz, Dante Rivero, Freddie Webb, Julian Trono . Ito ay sa direksiyon ni Richard Somes.

 

About hataw tabloid

Check Also

Jake Cuenca Baron Geisler

Jake Cuenca ‘di na umiinom, naging motivation si Baron

MATABILni John Fontanilla ISINAPUBLIKO ni Jake Cuenca na isa’t kalahating taon na siyang hindi umiinom ng alak. …

Michelle Aldana

Michelle Aldana balik-South Africa na

I-FLEXni Jun Nardo BUMALIK na sa South Africa ang beauty queen-turned actress na si Michelle Aldana at …

Andrea Torres Rabiya Mateo Max Collins

Andrea, Rabiya, at Max umaariba ang career kahit sawi ang mga lovelife 

I-FLEXni Jun Nardo PUSONG-SAWI man pagdating sa kanya-kanyang lovelife, umaaribang career naman ang isinukli sa …

Blind Item, Men

Pipitsuging gay talent manager inilalako alaga sa mayayamang bading

ni Ed de Leon ANG totoo, hindi naman sa nakikialam kami sa raket ng iba, …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Rayver at Julie Anne umamin na

MA at PAni Rommel Placente SO, talagang may relasyon na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, …

Leave a Reply