Monday , March 27 2023

Gelli de Belen, masaya sa mga show sa TV5

020215 gelli de belen

00 Alam mo na NonieNAGPAHAYAG ng kagalakan si Gelli de Belen sa kanilang bagong programa sa TV5 na pinamagatang Solved Na Solved. Layunin nitong magbigay ng praktikal at legal na solusyon sa mga problemang karaniwang nararanasan ng mga mamamayan.

Kasama ni Gelli bilang host sina Arnell Ignacio at Atty. Mel Sta. Maria. Mapapanood sila mula Lunes hanggang Bi-yernes, 11:30 ng umaga.

“Natutuwa ako sa opportunity to host a program that is actually interesting and helpful. Challenge ito na magkaroon ng show na makabuluhan at compact na sa limited na time ay mailagay namin lahat ng impormasyon na kailangang maibi-gay sa public.

“I am challenged, my creativity and my talent bilang host ay nacha-challenge, so natutuwa ako. Ang dami-daming artista, ang dami-daming host, pero lagi nila akong napipili,” saad ni Gelli.

Dagdag pa niya, “Nagkakaroon ako ng awareness sa rights ko bilang isang Filipino. Sa mga mamimili at iba’t iba pang topic na naipapaliwanag sa show. Lalo na sa puntong legal, with Atty. Mel.

“Saka kasi dito, mas nai-inform ang mga tao sa mga karapatan natin. Kasi we don’t know all the legal terms sa mga karapatan natin. We’re not aware, ‘Ay, bawal iyan, bawal iyan!’ Pero we don’t know exactly saan mag-uumpisa.”

Nagpapasalamat din ang aktres/TV host sa pag-aalaga sa kanya ng Kapatid Network. “Hindi pa ako nawawalan ng trabaho. Pinagkakatiwalaan nila ako with work na I never got to do before, which is a challenge for me. While I was happy with my other stations, kaya lang, parang dito, I got to try a lot of things.”

Mula nang lumipat siya sa TV5, kabilang sa mga programang naging bahagi si Gelli ay ang Glamorosa, Nandito Ako, at Confession of a Torpe. Naging host din siya sa ilang shows ng Singko tulad ng Game N’ Go at Face the People.

MOJACK PEREZ, HUMAHAKOT NG AWARDS BILANG SINGER/STAND-UP COMEDIAN

WAGI na naman si Mojack Perez bilang Outstanding Stand-Up Comedian sa ginanap na 35th People’s Choice award recently. Humahataw talaga si Mojack sa mga awards ngayon.

Last year ay nanalo rin siya bilang Outstanding Comedian, Performer & Host sa Dangal ng Bayan 2014. Sa darating na April naman ay tatanggap din siya ng parangal sa Gawad Musika 2015. Ito ay ibinibigay sa mga baguhang musician na click na click sa masa.

Anong masasabi ni Mojack sa mga awards na ito? “Masa-sabi ko po talaga na achievement po ito dahil umaakyat ako ng entablado na kasama ang mga malalaking tao at ating mga iniidolo. Ito po ay blessings dahil nakikita nila ang bawat trabaho, pagod, hirap, at pawis sa bawat ipinakikita nating serbisyo.

“Totoong God is so good, kasi ‘pag kamay Niya ang kumumpas, walang makakapasok na malas. Kaya ang motto ko, love your work and love your family. Pati enemy na rin, if mayroon. Pero ako po, wala namang enemy,” nakatawang biro ni Mojack.

Lalo ka bang sisipaging magtrabaho dahil sa mga ganitong recognition?

“Mas dodoblehin ko pa po ang trabaho ko para sa pangalawang birthday na ng Mama ko. ‘Di po lingid sa atin na ‘di siya pinabayaan at walang masamang nangyari sa pinakamamahal kong mother nang siya ay naaksidente. Dahil sa kanya kaya po ako nagsiskap nang husto. And para rin maging ehemplo ako sa katulad kong nagpe-perform po sa entablado.

“Ang plano ko po ngayon sa career ko, pag-usapan na ng maayos ang bawat bagay dahil ‘pag hindi naayos ang lahat, sisikip lang po ang bawat ginagalawan natin. Dahil ang pangarap ko lang sa career ko, ang tumakbo ng tama sa mata ng mga tao.

“Huwag po nating ipilit ang hindi natin kaya, kasi kapag pini-lit natin at hinigpitan ang tali, baka mapigtas ito at makawala sila.”

Sa ngayon, may album na rin si Mojack na ang carrier single ay Beckylo na likha ni Christian Martinez. Napapakinggan din si Mojack sa radio program niyang Brigada News FM 104.7 every Sunday, 4 to 7 pm kasama si Manny Paksiw (Manny Pacquiao impersonator) sa kanilang programang Magpa-MP.

 

 

ni Nonie V. Nicasio

About hataw tabloid

Check Also

Ysabel Ortega Beautéderm Rhea Tan

Ysabel Ortega proud maging endorser ng Beautéderm, thankful sa kabaitan ni Ms. Rhea Tan

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio IPINAHAYAG ng Kapuso actress na si Ysabel Ortega na sobra …

Gerald Anderson Julia Barretto Korina Sanchez 

Gerald tiniyak kay Korina: Julia pakakasalan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Gerald Anderson sa programa ni Korina Sanchez na Korina Interviews na umere sa Net25noong …

Althea Ablan Shayne Sava Prince Clemente

Althea may umaaligid nang Prince Clemente; Shayne focus muna sa career

I-FLEXni Jun Nardo AMINADO ang Sparkle artist na si Althea Ablan na mabigat ang kamay niya. Kaya naman sa …

Ara Mina

Ara isinantabi muna ang pagbubuntis, tututok sa career

I-FLEXni Jun Nardo IDOLO ni Ara Mina ang foreign host na si Oprah Winfrey mula noon hanggang ngayon. Eh …

Blind Item, man woman silhouette

Boyfie ayaw isama si GF sa mga ‘lakaran,’ takot mabuking ang sideline

ni Ed de Leon SI boyfriend noon, halos gabi-gabi ang lakwatsa sa mga watering hole at kung …

Leave a Reply