Tuesday , November 29 2022

Video ng napatay na elite force kinondena ng PNP

killed SAFKINONDENA ng pamunuan ng PNP Special Action Force (SAF) ang ipinakalat na karumal-dumal na video na nagpapakita ng mga napatay na miyembro ng SAF sa Mamasapano, Maguindanao.

Ayon kay SAF Commander, Police Director Detullo Napenas, hindi gawain ng isang taong nasa matinong kaisipan ang ipinakita sa video na ipinangangalandakan ang brutal na pagpatay sa kanyang mga tauhan.

Sinabi ni Napenas, ‘barbaric’ ang ginawa ng mga armadong grupo sa kanyang mga tauhan, batay na rin sa nakita niyang video na ini-upload at ipinakalat sa social networking sites.

Dagdag ni Napenas, may natanggap na rin siyang impormasyon na ilan sa kanyang mga tauhan na napatay sa Mamasapano ay pinugutan pa ng ulo.

Pagdinig sa Bangsamoro sinuspinde ni Bongbong

IPINASUSPINDE ni Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang lahat ng pagdinig kaugnay ng pagpasa sa Bangsamoro Basic Law (BBL) makaraan ang sagupaan ng mga pulis at MoroIslamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano, Maguindanao.

Kasabay ng pagkondena sa insidente, iginiit ni Marcos, pinuno ng Senate Committee on Local Government, hindi maaaring isabatas ang peace agreement sa ilalim ng banta nang matinding karahasan.

“I decided to suspend indefinitely all discussions and hearings related to the passage of the Bangsamoro Basic Law until this is clarified. We cannot in conscience, proceed with these hearings while a cloud of serious doubt hangs over the security situation in the south,” bahagi ng pahayag ng senador.

Hindi kinagat ni Marcos ang katwiran ng MILF na walang naging koordinasyon ang Special Action Forces (SAF) ng PNP sa kanila ukol sa pagpasok sa Mamasapano para sa isang operasyon.

Giit ng senador, lehitimo ang misyon ng pulisya at sana’y nakipag-usap na lang ang MILF sa SAF imbes nakipagbakbakan.

Cynthia Martin/Niño Aclan

Palasyo bumuo ng Fact-Finding Committee

BUMUO ang Malacañang ng fact finding committee na tututok sa nangyaring enkwentro ng Philippine National Police-Special Action Forces (PNP-SAF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Mamasapano, Maguindanao. 

Ayon kay Presidential Communications Secretary  Sonny Coloma, layon nitong mabatid ang buong pangyayari lalo’t maraming mga pulis at MILF ang napaulat na namatay sa insidente.

Nagpaabot na rin ng pakikiramay ang Palasyo sa mga naulilang pamilya ng namatay mga pulis. 

Gayonman, tikom muna ang Malacañang sa kung ano ang epekto ng enkwentro sa usapang pangkapayapaan ng pamahalaan at MILF.

Ayon kay Coloma, nagpupulong na ang peace panel ng pamahalaan at agad magpapalabas ng opisyal na pahayag kaugnay nito.

Rose Novenario

About hataw tabloid

Check Also

shabu drug arrest

P.8-M shabu sa Vale
HIGH VALUE INDIVIDUAL, KALABOSO

BAGSAK sa kulungan ang isang lalaki na listed bilang high value individual (HVI) matapos makuhaan …

Navotas Greenzone Park

Navotas Greenzone Park binuksan

PINANGUNAHAN ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco, kasama si Metropolitan …

Arrest Posas Handcuff

Rank 10 MWP ng PRO8, huli ng NPD

ARESTADO  ang isang lalaki na nakatala bilang rank 10 most wanted person (MWP) sa kasong …

congress kamara

 “Caregivers Welfare Act” pasado sa Kamara

SA BOTONG 271, inaprobahan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 227 …

Quezon City QC

QMC idineklarang child labor-free zone — Belmonte

KASABAY nang pagdiriwang ng National Children’s Month, idineklara ng lokal na pamahalaan ng Quezon City …

Leave a Reply