Sagot ni De Lima kay Kat Alano: Maghain ng kaso

kat de limaSINAGOT na ni Justice Secretary Leila de Lima ang open letter ng radio host at modelong si Kat Alano.

Ito’y makaraan sabihin ni Alano na isa rin siyang biktima ng rape ng isang “public figure.”

Ngunit sa ilalim aniya ni De Lima ay nakalaya ang gumahasa sa kanya.

Ayon sa kalihim, kung ginahasa man si Alano, dapat  siyang magsampa ng kaso at bahala na ang piskalya na tumimbang kung may mga basehan ang alegasyon ng modelo.

Hindi direktang pinangalanan ni Alano kung sino ang sinasabing gumahasa sa kanya.