This site uses cookies for analytics and to improve your experience. By clicking Accept, you consent to our use of cookies. Learn more in our privacy policy.
ITINUTURO ang teroristang grupong Jemaah Islamiyah (JI) bilang utak sa assassination plot kay Pope Francis sa kanyang pagbisita sa Manila at Tacloban.
Ayon sa pahayag ng hindi nagpakilalang source, ang JI na responsable sa Bali bombings sa Indonesia noong 2002, ang siyang may plano rin sa pag-atake sa Santo Papa sa kalagitnaan ng Papal visit.
Ang JI cell na pinangungunahan ni Malaysian Zulkifli bin Hir, alyas Marwan, ang siya sanang maglulunsad ng bomb attack sa T.M. Kalaw Street, Ermita, Maynila noong Enero 18.
Pasasabugin daw ang bomba kasabay ng pagdaan ng convoy ni Pope Francis sa nasabing kalye.
Si Marwan ay isang telecommunications engineer at isa sa most wanted terrorists ng Federal Bureau of Investigation.