NLEX, inililinya na sa KathNiel, JaDine, at KimXi

ni Roldan Castro

010715 nash alexa nlex

HINDI iniwanan nina Nash Aguas at Alexa Ilacad ang youth oriented show tuwing Linggo na Luv U ng ABS-CBN 2 kahit tumatamasa na sila ng tagumpay sa kanilang serye na Bagito.

Sa Luv U nga naman nagsimula ang tandem nila at ayaw nilang masabihan na inggrato at walang utang na loob sa ABS-CBN comedy unit.

Hindi na maawat ang NLEX loveteam at aminado naman sila na crush nila ang isaโ€™t isa. Inile-level na rin sila sa Kathniel, JaDine, at KimXi.

โ€œNakatutuwa po pero hindi po talaga namin in-expect na ganoon. In-expect lang namin na magiging loveteam kami, na gagawa kami ng project pero sobrang nakakakaba and nakatutuwa na nalilinya kami sa kanila,โ€ pahayag ni Nash.

Sey naman ni Alexa, medyo nakakadagdag din ng pressure, โ€œpero we always try naman our best na maging magaling sa mga ginagawa namin pero siyempre, minsan nako-compare or sinasabihan na โ€˜linya kayo riyan so dapat galingan nโ€™yo rinโ€™ so, medyo nakadaragdag ng pressure pero ginagawa lang namin talaga ang lahat ng makakaya namin to make it look good.โ€

Noong Pasko Iphone case raw ang regalo ni Alexa kay Nash at ang bagets actor naman ay dalawang pillow ang ibinigay sa katambal.