Ang Zodiac Mo (Jan. 07, 2015)

00 zodiac

Aries (April 18-May 13) Ang iyong atraksyon sa bawat bagay at tao na kakaiba ay higit na malakas ngayon.

Taurus (May 13-June 21) Maaaring magkaroon ng pakikipagtalo sa ibang mga miyembro ng pamilya.

Gemini (June 21-July 20) Hindi mapipigilan ang pagnanais na mamasyal at maglibang ngayon kasama ng mga kaibigan.

Cancer (July 20-Aug. 10) Magdadalawang-isip na bilhin ang isang bagay na napakamahal dahil sa pag-iipon ng pera para sa kinabukasan.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Mag-ingat sa pakikipagbati sa dating kaaway dahil baka hindi siya sensiro.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Iyong natamo ang magandang reputasyon dahil sa iyong sariling pagsisikap. Huwag hayaang sirain ito ng iba.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Posibleng magkaroon ng lamat sa matagal nang samahan ng magkakaibigan.

Scorpio (Nov. 23-29) Sa kabila ng iyong kasalukuyang tagumpay, hindi mo pa rin makalimutan ang iyong pagkabigo.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Tandaan na ang pinakamatatag na tao ay ang kayang kontrolin ang sarili at kayang labanan ang kanilang takot.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Imbes kainggitan dapat mong hangaan ang iba sa natamo nilang tagumpay sa napili nilang larangan.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Positibo ang iyong overall vibe ngayon. Ang araw na ito ay perpekto sa dates, paglilibang at pagtitipon.

Pisces (March 11-April 18) Dapat itigil na ang pagbibigay ng utos at pagdidikta sa dapat gawin ng iba.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Masusumpungan ang sarili na bilanggong muli ng nakaraan.

 

ni Lady Dee