Wednesday , December 1 2021

Chinese Horoscope: Ang Ox sa year of the Sheep

Kinalap ni Tracy Cabrera

010515 ox sheep 2015

SA 2015, yaong mga isinilang sa Year of the Ox (or Bull) ay magiging katulad ng isang manggagawa (laborer) na pinagagawa ang maselang mekanismo ng isang orasan gamit ang isang bareta at maso.

Ngayong taon, mararamdaman ang lakas ng mga braso; mapupuno nang di-maubos na enerhiya; ngunit walang magiging ambis-yon para mapaggamitan ng iyong mga talento.

Ipinapayo ng horoscope na hindi brasuhin o pangunahan ang paghihimagsik; dahil maaari din namang gamitin ang mga bagong oportunidad para sa konstraktibong kadahilanan.

Kung ihahambing sa sugal, tanggaping hindi laging makatatanggap ng joker na baraha, pero kailangan ding magpursigi hanggang sa kahuli-hulihan sa pamamagitan ng paggamit ng lahat ng angking talento. Dapat umiwas sa mga pundamental na pagbabago at desisyong hindi pinag-isipang mabuti kung nais na makinabang sa iyong mga aksyon at ginagawa.

Matigas ang ulo ng patron ng 2015—ang Wooden Sheep (Ram, Goat)—na ayaw nang kinakaladkad sa kung saan-saan, kahit pa ang pupuntahan ay paraiso ng Kambing na may piling pastulan, malilinaw na ilog at walang mga lobong sasalakay anumang oras. Sa puntong nagdesisyon na sugurin ang mga bala-kid at ipulbos ang mga bundok gamit ang angking lakas, magsisimula ang buhay na bumawi at hagisan ka ng mga bolang bumabalik sa pinanggalingan para harangin ang iyong pagsulong at ikaw ay maantala. Ngunit konsiderahin din itong makabubuti para sa iyo, at least, mananatili sa dating posisyon; dahil maaari rin naglaho lahat ng iyong inimpok—at tiyak na mas masama ito para sa iyo.

Ipinapayo rin ng horoscope na maging ka-tulad ng daloy ng ilog na, sa pagkakaenkuwentro sa isang bato, ay hindi pupuwersahin na mawala kundi dadaloy at lalampasan lang.

Iminumungkahi naman ng mga bituin sa 2015 na ilagay ang mga taya sa huling resulta. Base sa iyong personal na hatol kung nakamit o hindi ang iyong ninanais—tandaan kung ilan at sino-sino ang mga taong inapakan sa pagtawid tungo sa iyong tagumpay at gayon din ang mga harang at bakod na iyong nilansag para lumusong sa kinalalagyan.

Hindi magiging matiwasay ang pakiki-pagrelasyong romantiko pero may tibay at paninidigan din. Sa iyong opinyon, nakababagot at predictable pa! Kung nais na maging rollercoaster ride ang iyong relasyon, na nagpapaangat sa iyo at nagpaparamdam din ng pagbagsak, maaaring pumili ng tunay na passionate at nagwawalang-bahalang Zodiac sign para maging partner.

Maaaring may mga tao na ang buhay ay kabagot-bagot kaya naghahanap sila ng adre-nalin rush sa ibang paraan at lugar.

Hindi rin naman pinapansin ng horoscope kung itutuon ang pansin sa ibang bagay, pero ipinagbabawal na lisanin ang iyong kinalalag-yan nang walang pag-aaruga. Kahit naghahanap ng naglalagablab na apoy at init lamang ang natatanggap, hindi kinakailangan mag-hagis nang marami pang kahoy sa liyab. Sa sandaling magre-relax at sinimulang panoo-rin ang pagdaloy ng buhay sa iyong harapan, magsisimula din maglaho ang mga kaguluhan at agam-agam: makikipisan ang mga daga sa iyong tahanan; mabubutas ang bubong ng iyong bahay; mapipilas kusa ang wallpaper sa loob. Hindi makakayanan ng iyong partner na gawin ang lahat ng tungkulin sa loob ng inyong tahanan; kaya isang araw, magagawa niyang lumayas at lumi-san. Kung nais ng Toro na maiwasang mag-isa habang tumutubo ang kanyang mga sungay nang walang nag-aaruga sa kanya, kakailanganing maging mapagmahal at romantiko.

Sa trabaho, yaong mga isinilang sa ilalim ng Toro ay makararamdam ng pagnanais na ipakita ang kanyang mga kapabilidad sa buong mundo. Kapag mas ambisyoso at mas malaki ang panganib ng proyekto, mas nanaising gawin ito. Mawawalan ng interes sa mga gawaing maliliit na hindi papansinin ng management; pero mas nanaisin din ipuhunan ang buong sarili sa isang proyektong may potensyal na may malaking kikitain o magaganansiya.

Makatutulong ang Year of the Wooden Sheep (Ram, Goat) para mas malaman ang tungkol sa sarili at gayon din sa pagpapaunlad ng iyong kaalaman at pagkatao. Malalaman at pahahalagahan ang importansya ng mabuting asal at diplomasya. Mas mainam na hanapin ang emergency exit kaysa magpumilit na dumaan sa mga pintuang nakakandado.

Sa 2015, matututunan din humingi ng tulong mula sa iyong mga kaibigan, dito makapag-e-ekonomiya sa oras. Mauunawaan ang pagnanais na nguyain ang granate at ito ay tunay na kapuri-puri, pero bakit gagawin ito kung nagawang pulbusin ang matigas na bato at handa na rin siyang ipakita kung paano ito ginagawa sa epektibong pamamaraan?

Isa pang curveball ang maaaring ibato sa iyo sa taong 2015 kung hindi magiging pa-senisyoso at ayaw maghintay sa takdang panahon. Ilarawan ito: makaaani lamang ng iyong pananim kung hihintaying tumubo ang sinaka para pakinabangan nang husto.

Mahalaga rin alamin kung ano ang tunay na nais: marami ang nagnanais sa masasarap na pagkain, alak at karangyaan, mga bisyo at iba pang nagpapasarap sa pamumuhay ng isang tao; nanaisin mong lahat ito. Sa mga Torong hindi magagawang piliin ang naaayon para sa kanya, malaking kabiguan ang naghihintay.

Dapat alamin ang tamang mga hakbang para makamit ang lahat ng ninanais sa isa-isang paraan.

 

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal Oil

Talsik ng mantika sa mukha hindi naglintos dahil sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Ako po …

Maja Salvador Rhea Tan Beautederm

Rei Tan payag mag-ninang kina Maja at Rambo, sasagutin pa ang reception

FACT SHEETni Reggee Bonoan HINDI itinanggi ni Maja Salvador na may mga napag-uusapan na sila …

Cebu Pacific Air Airbus A330neo Cebpac

Unang Airbus A330neo dumating na Cebu Pacific, ‘greenest airline’ sa Asya

DUMATING na ang kauna-unahaang Airbus A330neo (New Engine Option) ng Cebu Pacific, nitong Linggo, 28 …

Andrea Brillantes Rhea Tan Beautederm

Andrea Brillantes, thankful kay Rhea Tan sa pagiging Reiko and Kenzen Beautéderm Health Boosters endorser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABIS ang kaligayahan ng teen actress na si Andrea Brillantes …

Andrea Brillantes Beautederm

Andrea honored na maging Beautederm endorser

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KASABAY ding inilunsad ni Maja Salvador noong Huwebes si Andrea Brillantes bilang kapamilya ng …

Leave a Reply