Sunday , December 5 2021

Panaginip mo, Interpret ko: Kinukuha ng balloons

00 Panaginip

Gud am Señor,

Ung drim ko ay about sa kasal tapos may mga balloon dw knukuha na ko. Anu kea meaning nitu? May BF po ako peo d aman nmin inicip ung ksal. Plagi ako bumabasa ng Hataw, gud luck po sa inyo and mre power senr, im Nelia, plz dnt print my cell no.

To Nelia,

Ang panaginip ukol sa kasal ay maaaring nagsasaad ng hinggil sa commitment, harmony o transitions. Ito ay nagpapakita rin na ikaw ay sumasailalim (o sasailalim) sa isang mahalagang kabanata sa iyong buhay. Ang panaginip mo ay posibleng nagsasabi rin ng pagsasama ng mga aspeto ng iyong pagkatao na noon ay magkakasalungat. Tignan ang mga katangian ng taong napanaginipan mong iyong pakakasalan o naging asawa dahil maaaring kailanganin mong isama sa iyong pagkatao ang mga karakteristik na ito.

Ang panaginip ng hinggil sa lobo ay nagpapakita ng bumababang pag-asa sa paghahanap mo ng pagmamahal. Maaari rin na may sitwasyon sa iyong buhay na maghuhudyat ng pababang kalagayan o pababang patutunguhan nito. Ang mga lobo ay nagre-represent din ng pagiging arrogance at ng inflated na opinion mula sa iyong sarili. Kung makakita ng itim na lobo, ito ay sagisag naman ng depression, lalo na kung ang mga lobo ay pababa na. Maaari rin namang ang kahulugan nito ay ang frustrating conditions sa iyong buhay, kabaligtaran ng paghahangad mong pag-asenso. Posibleng may pahapyaw na kagustuhan din ito ng ukol sa pagtakas. Sa positibong bagay naman, ang mga lobo ay simbolo ng celebration at festivities. Kailangan mong kilalanin ang inner child sa iyong pagkatao. Maaaring ang ilang insidente ng nawalang oportinidad sa parte mo ay nagre-represent ng lumipad na lobo. Subalit dahil kinukuha mo ang mga lobo, posibleng nagpapakita ito ng pagbawi naman sa ilang hindi magagandang pangyayari sa iyong buhay. Kailangan lang na huwag kang mawawalan ng pag-asa at naka-focus ka sa iyong mga mithiin sa buhay, upang magkaroon ito ng katuparan

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Rida Robes Disney Savano Park CSJDM San Jose Del Monte Bulacan

Paskong masaya sa CSJDM, Bulacan

SA PAGNANAIS mabigyang kasiyahan ang mga residente ng San Jose Del Monte City, Bulacan, inilunsad …

Maja Salvador Rhea Tan Beautederm

Maja nakatagpo ng proteksiyon at pampalakas ng resistensiya

MATABILni John Fontanilla DOUBLE Celebration ang naganap noong Nov. 25, 2021 dahil bukod sa kaarawan ng CEO/President ng …

Krystall Herbal Oil

Talsik ng mantika sa mukha hindi naglintos dahil sa Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Ako po …

Maja Salvador Rhea Tan Beautederm

Rei Tan payag mag-ninang kina Maja at Rambo, sasagutin pa ang reception

FACT SHEETni Reggee Bonoan HINDI itinanggi ni Maja Salvador na may mga napag-uusapan na sila …

Cebu Pacific Air Airbus A330neo Cebpac

Unang Airbus A330neo dumating na Cebu Pacific, ‘greenest airline’ sa Asya

DUMATING na ang kauna-unahaang Airbus A330neo (New Engine Option) ng Cebu Pacific, nitong Linggo, 28 …

Leave a Reply