Monday , November 29 2021

2015: Year of the Green Wooden Sheep

122714 wooden sheep

ni Tracy Cabrera

SA 2015, ang buhay ay magiging win-win situation para sa mga isinilang sa ilalim ng Year of the Sheep (1907, 1919, 1931, 1943, 1955, 1967, 1979 , 1991, 2003, etc) ; dahil na rin ito sa pagsikat ng iyong patron na Wooden Sheep (Ram, Goat).

Magiging masuwerte ang taon sa halos lahat ng bagay na iyong lalahukan—mula sa mga minor household matters at sa pagpa-patupad ng iyong mga panaginip at pagnanais. Kung matagal nang humihiling ng pag-ibig, yaman at magandang kalusugan para sa iyong pamilya, walang dudang makakamit ang lahat ng mga ito.

Suwerte

Kung nais malaman kung gaano kasuwerte ang taon, isipin lang ang sarili na isang musmos na bata na binigyan ng buong tindahan ng mga laruan bilang birthday gift.

Dangan nga lang may babala rin sa iyong horoscope: may mga effort na dapat pang gawin para makamit ang tagumpay na ninanais sa buhay. Iwasang maging tulad ng isang Hudyo sa anekdota na iginugol ang mahabang panahon sa pananala-ngin sa Diyos para manalo sa loterya pero hindi naman bumibili ng lottery ticket.

Aksyon

May kasabihan tayong mga Pinoy: Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa—kaya kailangang kumilos! Kung nais may marating, aksyon ang kailangan para magtungo sa iyong ninanais.

Para sa mga Kambing na nais kainin ang sariwang damo sa tuktok ng bundok Olympus, kailangang bawasan ang interes sa pagliliwaliw at pagpa-party at sa halip ay igugol ang panahon sa edukasyon sa sarili at pagsasagawa ng mga proyektong pangnegosyo.

Kung sawa naman sa malulungkot na gabing nag-iisa at naghahapunan habang nanonood ng telebisyon, ituon ang pansin sa pagpapaganda sa sarili at pagpapalawig ng iyong social circle.

Kalusugan

Para sa mga may problema sa kalusugan, hindi lamang dapat kumonsulta sa ilang doktor at sumailalim sa mga pagsusuri, ipasok ang mahahalagang pagbabago sa pamumuhay nang naaayon sa ipinayong medical indication.

Ngayon ay magiging mas madali para sa iyo ang mga bagay-bagay kaysa mga isinilang sa ibang panahon, Pare-pareho nating itinutulak ang bato (ng buhay) para marating ang tuktok ng ating buhay; ang pagkakaiba nga lang ay pabalik na ang Kambing dahil naabot na nila ang dapat marating at ngayo’y pabalik na para anihin ang benepisyo ng kanyang pagpupunyagi.

Realidad

Dahil ang taon ay su-werte para sa Kambing, ang pinakamaliit o mahinang effort ay bibigyan ng basbas at ayuda ng diyosang si Fortuna para marating agad ang nakatakdang destinasyon, habang ang iba nama’y magkakandakuba sa pagpupursigi na marating din ito.

Sa 2015, mahalaga na maging realistiko sa iyong mga kapabilidad at magtakda rin ng mga priyoridad para sa maayos na pagsasagawa ng mga tungkulin at gawain.

Kung malilinggit lamang na bato ang nina-nais, hindi mahihirapang ilipat ang mga ito sa ninananais na kalalagyan; dangan nga lang ay malilinggit din ang pabuyang matatanggap. Para sa pumili naman ng malaking bato, ha-hantong sa kawalan dahil tunay na hindi basta makaka-yanang buhatin o ilipat ang malaking bato nang nag-iisa at walang tulong.

Huwag maging pesimistiko o kahit optimistiko: hindi ito aprubado ng Wooden Sheep!

Pag-ibig

Kakaiba ang aanihing tagumpay sa larangan ng pag-ibig. Para sa mga binata at dalaga, sa 2015 ay makatatagpo ng taong posibleng maging kasama sa panghabambuhay; at sa may pamilya naman ay magdedesisyon para magkaroon pa ng supling o kaya’y lumipat ng tahanan. May mga pagbabagong darating at hindi dapat pangamba-han o katakutan. Sa halip, gumawa ng maraming bagay hanggang kaya at posible; tandaan, ang mga bituin ay kakampi mo ngayon kaya ang oportunidad sa pag-asenso ay mas lalong malaki at madali.

Ipinapayo rin naman ng horoscope na isaisip na hindi nakasalalay ang buhay sa pagngiti o pagpabor ng mga tala sa kalangitan, kundi sa pag-uugali rin. Kung hindi mahusay sa pakikipagkapwa o kulang sa kooperasyon, tatawagin kang matigas ang ulo tulad ng Kambing. Pero kung ikaw nama’y magi-ging magalang, mapagbigay at masipag, makakamit ang estado ng isang uring may dignidad.

Career

Naghihintay sa 2015 ang tagumpay para sa mga kinatawan ng mga creative profession dahil ang Wooden Sheep ay isang romantiko at pinong art lover. Magniningning ang iyong talent para umusad ng pasulong. Dangan nga lang ay hindi lahat ng hiyas ay may mataas na halaga.

May mga semi-precious, depektibo at pekeng alahas na kasama ng genuine na kayama-nan, ngunit ganito talaga ang ating buhay. Sa mga panahong ito, mahalaga ang mga bagay na iyong paniniwalaan at kung sino ang makukumbinsing iba para sa kanilang puhunanan; kaya kahit ang pinakasimpleng piraso ng babasagin ay magi-ging isang brilyante sa kalaunan.

Sa Year of the Wood Sheep, huwag pagkaabala-han ang iyong mga kalaban o yaong may inggit: ang iyong mga katunggali ay mapapatunayang mga peke at manloloko na gumagaya lamang sa husay ng iba para magkunwaring propesyonal at may talento.

Huwag matakot sa malalaking proyekto o mapansin ng nanunungkulan. Ang susi ay hindi madala ang damdamin sa papuri o kritisismo at manatiling nakatuon ang pansin sa paggampan ng tungkulin.

Hindi sang-ayon ang sansinukob sa pandaraya o pambobola. Sa 2015, subukang hulihin sa iyong lambat ang libog ng kaligaya-han ngunit huwag ibitag o pagtangkaan nang masama ang mga kasamahan sa trabaho at tahanan!

About hataw tabloid

Check Also

Andrea Brillantes Beautederm

Andrea honored na maging Beautederm endorser

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KASABAY ding inilunsad ni Maja Salvador noong Huwebes si Andrea Brillantes bilang kapamilya ng …

Maja Salvador Rhea Tan Beautederm

Maja makababalik pa rin sa ABS-CBN (Ambassador na rin ng Beautederm)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NILINAW ni Maja Salvador na makababalik pa rin siya sa ABS-CBN dahil in good terms siya sa mga boss ng …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Impatso at konstipasyon balewala sa Krystall Nature Herbs at Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong, Magandang araw po …

CINEMA 76

Cinema ‘76 Anonas ligtas at family friendly

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAKATUTUWANG unti-unti nang nagbubukas ang mga sinehan. Sa dalawang magkasunod …

CINEMA 76 Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings

Cinema ’76 perfect sa movie bonding ng pamilya

FACT SHEETni Reggee Bonoan ANG pelikulang Shang-Chi and the Legend of the Ten Rings ang …

Leave a Reply