Sunday , May 19 2024

Power ni Ai Ai sa box office, waley na raw (Mahinang lagay sa takilya ng Past Tense, isinisi sa aktres)

121514 ai aiUNFAIR naman na isisi kay Ai Ai Delas Alas kung mas malakas daw ang naunang dalawang movie nina Kim Chiu at Xian Lim kompara sa  Past Tense. Kung kailan daw nakasama si Ai Ai ay at saka naman daw nagkaganyan ang resulta.

‘Yung huling pelikula  ni Ai Ai with Marian Rivera ay hindi rin kalakasan sa takilya. Nasaan na raw ang power ni Ai Ai sa box office?

Mukhang kailangan ni Ai Ai ng isang project na magsasalba sa  movie career niya, huh! Or else kandidata na siya sa mga hanay ng mga La Ocean Deep.

Lotlot, napaamin si Janine na BF na si Elmo

NIRERESPETO ni Lotlot De Leon kung ano ang desisyon ng kanyang mga anak gaya ng pagtanggi ni Janine Gutierrez sa beauty pageant. Pero pagdating sa pag-aartista nito ay ginagabayan niya.

“Sabi ko, ‘Mahalin mo ‘yang trabaho mo. Hindi puwedeng yang mga akting mo eh palpak. So ‘yun, I think ang pinaka-challenge ni Janine sa sarili niya kasi gusto ring masabi ng bata na may nagsasabi sa kanya na magaling din siyang umarte,” bulalas ni Lotlot nang makatsikahan siya sa presscon ng  filmfest entry na Kubot: The Aswang Chronicles na pinangungunahan ni Dingdong Dantes.

Ano ang feeling na isa si Janine sa prinsesa ngayon ng Kapuso  Network at nagre-rate ang show?

“Nakatutuwa! Dahil bilang pinaghirapan ko rin ang pagsisimula ng anak ko at ginabayan ko talaga ng bonggang-bongga. Kaya siyempre kung anuman ‘yung na-achieve ni Janine o kung anuman ang mayroon si Janine ngayon, nakatutuwa. Nakaka-proud,”  reaksiyon niya.

Ano naman ang first reaction niya nang malaman niyang boyfriend na ni Janine siElmo Magalona?

“Nakita ko sa ngiti ni Janine, eh. Tapos sabi ko sa kanya, actually ‘yung una, sabi ko, ‘Anak, nililigawan ka?’ Sabi niya, ‘Mom, we’re just friends!’ Sabi ko, ‘Huwag mo akong showbiz-in, Janine, ha? Hindi ako showbiz, nanay mo ako.’ Sabi ko, ‘Nag-date na kayo?’Tapos ngumiti siya ulit, sabi niya, ‘No mama, we went out with friends.’ Sabi ko, ‘Ah you went out with friends. Kayo, you went out na?’ Sagot ‘Eh…’ Sabi ko, ‘Janine!’ ‘Yes mama, we went out na!’ Kinailangan ng push na, ‘Janine!’ para umamin ang anak ko,” kuwento ni Lotlot na sinabayan ng tawa.

Vic, Robin, Dingdong, at Coco, maglalaban-laban bilang Best Actor sa MMFF 2014

COOL na humarap si Direk Erik Matti sa presscon ng Kubot: The Aswang Chronicles at mukhang naka-move on na siya sa isyu sa kanila ni Lovi Poe.

Nasabi na raw ni Direk ang dapat niyang sabihin sa post niya sa Facebook. Tapos na raw ‘yun at Pasko na. Kuntento at happy na rin siya sa pagkuha sa beauty queen na siHannah Ledesma.

Tampok sa Kubot sina Dingdong Dantes, Isabelle Daza, Joey Marquez, Lotkot De Leon, Ramon Bautista atbp..

Opisyal entry ito sa Metro Manila Film Festival na hinuhulaan kung magiging filmfest best actor ulit si Dingdong. Nakadalawa na siyang tropeo sa kategoryang ito.

Actually, mas maingay ang Best Actor category sa MMFF dahil nandiyan pa ang last year best actor na si Robin Padilla sa Bonifacio, Unang Pangulo. Nandiyan din ang award winning actor na si Coco Martin sa Feng Shui. Si Vic Sotto na may tatlong episodes sa My Big Bossing.

‘Yun na!

Roldan Castro

About hataw tabloid

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *