Thursday , December 9 2021

Coco, never sinukat ang halaga ng ibabayad sa kanya (Sa paggawa ng pelikula, maging ito’y indie film)

NAGULAT kami sa sinabi ng actor na si Coco Martin noong press conference ng kanyang festival movie, iyong Feng Shui. Sabi kasi niya, “kahit na noong gumagawa nga ako ng mga indie movie, hindi ako nagtatanong kung magkano ang kikitain ko sa pelikula. Ang mahalaga kasi sa akin, ano ba ang matututuhan ko sa gagawin kong pelikula at kung ano ba ang mararating ng pelikulang gagawin ko. Iyong pera, at iyong kita ng pelikula, mahalaga lang iyan at the moment, pero kalaunan, ang tatanungin mo na ay kung ano nga ba ang naabot ng pelikula mo.”

Hindi na bago ang ganyang mga klase ng pangangatuwiran sa amin, pero iyan ay naririnig lamang namin doon sa mga beteranong artista talaga. Nagulat kami na ang isang batambatang actor na kagaya ni Coco ay may ganyang pananaw na sa kanyang propesyon bilang isang artista.

Makikita mo sa ganyang pangangatuwiran na hindi pala isang propesyon lamang ang turing niya sa pagiging artista kundi isang form ng self expression. Ganyan ang tunay na artista talaga.

May mga matatawag kang mga commercial actor. Iyan iyong mga artista na ang hangad lamang ay kumita. Kahit na anong proyekto gagawin nila dahil ang katuwiran nga nila “trabaho rin iyan”. Madalas mo ring maririnig, “samantalahin mo na habang sikat ka dahil hindi habang panahon iyan”. Iyang mga artistang ganyan ang attitude, sisikat nga iyan pero hindi nagtatagal ang kasikatan ng mga iyan. Mapapansin mo, maraming artistang sumikat pero pagkatapos halos hindi na pinapansin. Kasi nga mabilis silang pinagsawaan ng mga tao, dahil kung ano-anong proyekto ang ginagawa nila.

Ang iniisip lang nila ay kumita sila ng pera. Dahil iyon ang talagang intention nila, nangyari naman. Kumita naman sila ng pera pero hindi nagtagal ang kanilang career.

Iyong mga kagaya ni Coco, iyan ang mga artistang tumatagal talaga ang career.

Pag-amin nina Megan at Mikael, ‘di na issue

ISSUE pa nga ba ang sinasabi nilang tila pag-amin nina Megan Young at Mikael Daez ng kanilang relasyon? Naging usap-usapan na naman iyan ng parehong mag-post sa kanilang social networking account over the weekend sina Megan at Mikael ng kanilang mga picture sa isang beach, na hindi lang basta magkasama ha, kundi very romantic. Noong una, dahil silhouette lamang iyon, pinahulaan pa nila kung sino ang kasama ni Megan, eh obvious namang si Mikael iyon.

Hindi man umaamin, obvious naman kahit noon pa lang na magsyota ang dalawa. Bakit nga ba kailangang ma-interview si Mikael tungkol sa pagiging Miss World ni Megan kung wala naman silang koneksiyon? Common knowledge sa mga kakilala nila na talagang may relasyon na sila noon pa man. Hindi nga lang siguro nila maamin dahil sa nagiging takbo ng career nilang dalawa.

ni Ed de Leon

About hataw tabloid

Check Also

Barbie Imperial Diego Loyzaga AJ Raval

Barbie ipagpapalaban si Diego hanggang dulo

REALITY BITESDominic Rea SA   isyung kinasa­-sangkutan ni Barbie Imperial kay AJ Raval ay mismong si Diego Loyzaga na ang nagsabing …

Edu Manzano Cherry Pie Picache

Edu at Cherry Pie ikakasal ba o magli-live-in na lang?

KITANG-KITA KO!ni Danny Vibas ANG walang kaduda-duda na may napapala sa walang pagdadalawang-isip na aminin agad ang …

Herbert Bautista Ruffa Gutierrez

HB-Ruffa gayahin na lang sina Edu at Cherry Pie

KITANG-KITA KO!ni Danny Vibas MATINDI ang kutob namin na sina Herbert Bautista at Ruffa Gutierrez na nga. Ayaw nilang itanggi …

Ping Lacson Caleb Jiro Iwa Moto

Sen Ping Lacson pinaglihian ni Iwa?

SHOWBIZ KONEKni Maricris V. Nicasio PINAGLIHIAN kaya ni Iwa Moto, asawa ni Pampi Lacson ang biyenan niyang si Sen. …

Gab Valenciano

Gab nagka-trauma sa pagkanta

HARD TALKni Pilar Mateo  “THE whole 2020 was a blur! Nangyari ba talaga ito?” ang …

Leave a Reply