Friday , May 17 2024

Magkapitbahay kapwa sugatan sa saksakan

090814 knifeKAPWA nasa kritikal na kalagayan sa pagamutan ang dalawang lalaking magkapitbahay makaraan magsaksakann kamakalawa ng hapon sa Malabon City.

Nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center sina Antonio Duenog, 45, residente ng 127 Sto. Niño St., Brgy. Concepcion, at Ronald Pampula, 26, ng nasabi ring lugar.

Batay sa ulat ni PO3 Rommel Habig, dakong 4:30 p.m. nang maganap ang insidente sa harap ng bahay ni Duenog sa nasabing lugar.

Nakaupo si Duenog habang nagkakape sa harap ng kanyang bahay nang dumating si Pampula na armado ng patalim at sinaksak siya sa likod.

Kahit duguan ay mabilis na kumuha si Duenog ng patalim sa kanilang bahay at hinabol ng saksak si Pampula.

Nauna rito, sinuntok ni Duenog si Michael dela Paz na kaibigan ni Pampula.

Bilang ganti ay sinugod ng saksak ni Pampula si Duenog.

Gayonman ay agad nakakuha ng patalim si Duenog kaya nasaksak din niya si Pampula.

Rommel Sales

About hataw tabloid

Check Also

051724 Hataw Frontpage

Tutol sa adelantadong renewal ng prangkisa
SOLON NAGBABALA MERALCO MATUTULAD SA SMNI NI QUIBOLOY

MULING nadagdagan ang tumututol sa ‘adelantadong’ renewal ng prangkisa ng distribution utility na Manila Electric …

Humingi ng advance payment para sa sex service
2 ‘KOLEHIYALANG’ CALL GIRLS, BUGBOG SARADO SA KANO

ni Almar Danguilan MASAKLAP ang inabot ng dalawang kolehiyala na sumang-ayong makipagtalik sa 28-anyos American …

Francis Tolentino

Sa usapin ng WPS
‘WIRETAPPING’ NG CHINESE EMBASSY vs AFP IMBESTIGAHAN — TOLENTINO

HINILING ni Senador Francis Tolentino sa Senate Committee on National Defense na imbestigahan ang sinabing …

BGen Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

BGen. Villareal itinalagang bagong AFP DPAO chief

CAMP CAPINPIN — Malugod na tinanggap ng 2nd Infantry “Jungle Fighter” Division ang bago nitong …

Alexis Castro Connor Costello

Ugnayan ng Bulacan sa mga estado ng Australia, pinaigting

ISINUSULONG ng mga lokal na opisyal ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan at mga bumisitang Australian …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *