3 senior citizens missing sa QC fire (200 bahay natupok)

120214_FRONTUMABOT sa 200 bahay ang natupok habang tatlong senior citizens ang nawawala sa naganap na sunog na nagsimula dakong 6 a.m. sa Brgy. Masambong, Araneta Avenue, Quezon City kahapon.

Dahil sa lakas ng apoy, apektado na rin ang ilang bahay sa karatig-barangay.

Sinabi ni Fire Insp. Aristotle Baniaga, tatlong matatanda ang pinaghahanap at nawawala makaraan ang sunog.

Kabuuang 600 pamilya ang apektado sa halos isang oras na sunog at posibleng magpa-Pasko nang walang bahay.

Isinusulat ang balitang ito, wala pa rin linaw kung kasamang nasunog ang tatlong senior citizen o sila’y nailigtas at dinala sa isang ligtas na lugar.

Patuloy ang imbestigasyon ng fire officers.