Heart, may tampo raw sa GMA

ni Vir Gonzales

102314 heart

NAGTATAMPO kuno si Heart Evangelista sa GMA dahil halatang mas bongga ang publicity ng nalalapit na pag-iisandibdib nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Sobra raw ang exposure kaysa Heart-Chiz marriage. May komentong information, si Marian ay pusong GMA star, samantalang si Heart ay galing sa Kapamilya na lumipat sa GMA. Natural ibubuhos nila sa sariling produkto ang pagmamahal bago ang ibang kapwa stars.