Thursday , June 4 2026

Kagawad tiklo sa droga

040314 prisonHINDI nakapalag sa mga awtoridad ang isang barangay kagawad makaraan masakote nang pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Carmen, Davao del Norte kamakalawa.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac, Jr. ang suspek na si Jojo Bitte, 42, may-asawa, kagawad ng Brgy. Guadalupe sa nasabing bayan.

Ayon sa ulat, nadakip ang suspek sa Purok 1-A, Brgy. San Isidro makaraan magpanggap na buyer ang isang ahente ng PDEA.

Nakompiska sa suspek ang dalawang sachet ng shabu at marked money na ginamit sa operasyon.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), at Section 15 (Use of Dangerous Drugs), ng Article II ng RA 9165.

Jethro Sinocruz

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …