P70-M Grand Lotto jackpot tinamaan na

082514 lottoSOLONG tinamaan ang mahigit P70 milyong jackpot sa 6/55 Grand Lotto.

Aabot sa P70,166,400 ang napanalunan ng mananayang nakasapol ng kombinasyong 08-27-26-11-06-29 nitong Lunes ng gabi.

Sinasabing ang winning ticket ay binili sa Tagum City, Davao del Norte.

Samantala, walang tumama sa mahigit P27.6 milyong premyo sa 6/45 Mega Lotto (16-34-02-40-15-41).