Ang Zodiac Mo (Nov. 25, 2014)

00 zodiacAries (April 18-May 13) May darating na balita kaugnay sa hindi mo inaasahang break sa career.

Taurus (May 13-June 21) Kung ikaw ay bibiyahe sa eroplano, asahan ang posibleng delays, lost baggage o masamang panahon.

Gemini (June 21-July 20) Aktibo ang iyong subconscious mind ngayon. Maaaring ikaw ay may kakayahan sa paghuhula.

Cancer (July 20-Aug. 10) Hindi ito ang mainam na araw para sa get together kasama ng romantic partner.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Ang ilan sa iyong technological gadget na palagi mong ginagamit ay posibleng magkaaberya ngayon.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Kung ikaw ay single, maaaring may makilala kang someone exciting.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Maaaring ikaw ay may mahalagang trabaho na nararapat gawin ngunit may darating na hindi inaasahang bisita.

Scorpio (Nov. 23-29) Ang electronic communication ngayon ay maaaring magkaaberya. Posibleng sa telepono, email, o copiers.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Titindi ang iyong problema sa pera kaya ikaw ay nagkukumahog sa paghahanap ng mauutangan.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Pakiramdam mo’y nakasara ang lahat ng mga pinto ngunit magpupumilit kang makalabas.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Magsusumikap kang hanapan ng kahulugan ang iyong panaginip. Ito ay posibleng babala sa maaaring mangyari.

Pisces (March 11-April 18) Ikaw at iyong mga kaibigan ay posibleng mag-isip ng bagay na adventurous.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Tiyaking ligtas ang susuunging pakikipagsapalaran. Mag-ingat sa ano mang larangan.

 

ni Lady Dee