Ang Zodiac Mo (Nov. 24, 2014)

00 zodiacAries (April 18-May 13) Ang planadong aksyon ang maaaring aprubahan ng kinauukulan.

Taurus (May 13-June 21) Pakiramdam mo’y obligado kang gawin ang bagay bagama’t hindi mo naman tungkulin.

Gemini (June 21-July 20) Malinaw ang iyong pag-iisip ngayon, ngunit maaaring mahirapan kang umaksyon.

Cancer (July 20-Aug. 10) Ang iyong makulay na pamamaraan ay maaaring hindi makakuha ng higit na atensyong iyong kailangan.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Ikaw ay may taglay na tamang disiplina para matupad ang nais mong matamo ngayon.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Ang iyong pagsisikap na makatakas sa obligasyon ay maaaring hindi mainam na paraan para makahikayat ng suporta.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Sa puntong iniisip mong ang lahat ay maayos na naplano saka naman may darating na aberya.

Scorpio (Nov. 23-29) Ang iyong apoy sa kalooban ay posibleng sumiklab ngayon.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Masusumpungan mong hindi pa rin mauunawaan ng iba ang punto na nais mong ipabatid.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Sa pagpapalipat-lipat ng lugar o larangan ay wala kang mararating.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Magplano muna kung ano ang gagawin upang maayos mo itong maipatupad.

Pisces (March 11-April 18) Maaaring kailangan mong i-adjust ang iyong pag-iisip upang tumugma sa enerhiya ng bawat sitwasyon.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Bagama’t masidhi ang iyong hangarin sa paglahok sa bagong larangan, malakas naman ang udyok na ikaw ay higit na maging maingat.

 

ni Lady Dee