ni Alex Brosas
AYAW pa ring iwan ni Sandara Park ang Pilipinas. Mas gusto pa rin niyang mag-celebrate in advance ng kanyang birthday rito kasama ang friends niya.
Kamakailan ay palihim na dumating si Sandara para sa mas maagang celebration ng kanyang birthday. Walang kainga-ingay bsiyang dumating sa bansa. Ni hindi siya pinagkaguluhan, wala, basta lang siya dumating.
She came to celebrate her birthday with her celebrity friends. Ni hindi nga siya nag-post ng photos na kuha sa party niya. Buti na lamang at nag-post si Sam Concepcion ng photo sa kanyang Instagram account kaya nalaman ng fans ni Krung Krung na rito siya nag-celebrate ng kanyang karaawan.
Kasama ni Krung Krung ang mga friend niyang sina Jasmine Curtis-Smith, Joross Gamboa, Christian Bautista, Sam Milby, at Erik Santos sa larawan na ipinost ni Sam.
Ang chika naman ng isang website, naroroon din naman sina Melissa Ricks, RJ Martinez, Sharlene San Pedro, Nash Aguas, Alexa Ilacad, Luis Manzano, Vhong Navarro, Ryan Bang, at Robi Domingo. Si Roby nga, inilibre pa ni Sandara nang dumating ito sa Korea recently.
Sikat na sikat si Sandara pero every time na darating siya sa bansa ay walang ingay. Hindi siya katulad ng ibang starlet na uhaw sa publicity.
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
