Pauleen, lucky charm ni Bossing Vic

ni Rommel Placente

083014 Vic sotto Pauleen luna

KASAMA si Pauleen Luna sa pelikula ng boyfriend niyang si Vic Sotto na My Big Bosing, entry sa MMFF 2014.

Si Pauleen ang kontrabida sa Sirena episode ng naturang pelikula na na isang sirena si Ryzza Mae Dizon. May mga eksenang pinatanda si Pauleen at kinunan noong ­Biyernes ang mga eksenang matanda siya.

Dusa ang prosthetics na inilagay sa kanya, pero okay lang kay Pauleen dahil parang pa­nata na niya itong mag-guest sa MMFF entries ni ­Bossing Vic.

Samantala, may mga nagtatanong kay Bossing kung kailan niya gagawing leading lady si Pauleen. Ayon sa komedyante, hindi pa raw nila pinag-uusapan iyon. Gusto lang daw niyang may special participation si Pauleen sa mga pelikula dahil lucky charm niya ang kasintahan.

“Ang importante para sa akin, may guesting siya kahit kapiraso na ma­bigat o magaan. Kailangan, kasama siya. Kasi, napansin ko, lucky charm siya. Pabuwenas, eh,” sabi ni Bossing Vic sa isang interview sa kanya.