Wednesday , June 24 2026

KathNiel, kailangan daw gumimik para ‘di matalo ng JaDine

ni Alex Brosas

083014 kathniel jadine

MARAMI ang kinilig sa latest photos nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.

Kasi naman, nakunan ng photo ang dalawa na para bang naghahalikan. Nakatalikod si Kathryn habang nakaharap naman sa kanya si Daniel at tila hinalikan ng binata ang dalaga.

Maraming KathNiel fans ang tila kinilig ang tumbong as soon as they saw the photos in social media. Kilig na kilig sila sa tila walang katapusang sweetness ng kanilang idols.

Ang paniwala namin, hindi naman talaga hinalikan ni Daniel si Kat sa photo na ‘yon. Kung halik man, siguro ay sa ilong lang o sa pisngi. Bawal pa silang maghalikan ng lips-to-lips, ‘no!

Anyway, marami ang nakapansin na tila panay ang pa-picture ng dalawa ng very sweet sila. Palaging magkadikit ang dalawa sa Canada tour nila, kundi man magkahawak-kamay. It was as if they are lovers talaga.

Actually, kailangan nilang magpaka-sweet para pagtakpan ang controversial audio-video ni Daniel na kumalat sa social media na kilig na kilig siya sa text ni Jasmine Curtis na sister niAnne Curtis. Kailangang mawala sa isipan ng fans ang controversy na ‘yon para mas umangat pa ang kanilang career.

Lalo pa ngayon at tila threatened sila sa existence ng bagong love team nina Nadine Lustre atJames Reid na kinahuhumalingan ng lahat.

With the competition with JaDine, kailangang gumimik ang KathNiel, ‘no!

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …

Anne Curtis

Anne Curtis sa 29 taon sa showbiz: mas relax at kampante

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MARAMING ipinagpapasalamat si Anne Curtis sa kanyang 29 taon sa industriya. Simula kasi …

Jhen Boles

Jhen Boles College Instructor II na

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang successful businesswoman/Philanthropist na si Jennifer Boles o mas kilala sa showbiz bilang Jhen …