Pink na kabaong agaw-atensyon sa Bacolod

BACOLOD CITY – Agaw-atensiyon sa mga dumalaw sa puntod ng kanilang mga namayapang kamag-anak sa Burgos Public Cemetery at Patyo Romano Katoliko sa lungsod ng Bacolod, ang isang kabaong sa harapan mismo ng sementeryo at marami ang nag-selfie.

Ang kabaong na ini-display ng isang puneraryia bilang bahagi ng kanilang mga promosyon sa undas ay kulay pink at pwedeng pumasok ang mga interesado upang makapagpa-picture.

Marami ang nagpakuha ng retraro habang nasa loob ng kabaong sa kadahilanang gusto nilang makita ang kanilang sarili kung sila ay mamayapa na.