Aries (April 18-May 13) Ang iyong pagsusumikap na magtagumpay ay kadalasang nagbubunga nang maganda, ngunit ngayon ay hindi ka nakatitiyak.

Taurus (May 13-June 21) Nakahanda ang iyong emosyon sa pagharap sa iyong mga tao ngayon. Mainam sa pagtalakay sa isang mahirap na isyu.

Gemini (June 21-July 20) Kailangan mong bawasan ang paghihigpit sa partner sa negosyo o sa romansa ngayon.

Cancer (July 20-Aug. 10) Ngayon ang lahat ay hanggang sa hangganan lamang – walang middle ground. Ang ibig sabihi’y kailangan mong magpursige kapag naging mahirap ang sitwasyon.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Maaaring batid mo ang lahat ngunit hindi mo na kailangang ito ay ipagyabang.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Ikaw ay nalilibang at maaaring hindi mapigilan ang sarili – lubusin mo ang saya dahil maaaring maging malungkot naman bukas.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Minsan, hindi mo maiwan ang nakaraan, at ngayo’y babalik ang ala-ala na inakala mong nakalimutan mo na.

Scorpio (Nov. 23-29) Kailangan mong isulong ang sarili sa mga bagay na nais mong matupad sa buhay.

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Muli mong binubusisi ang ilang mahalagang paniniwala o prinsipyo – maaaring magdesisyon kang itapon na ang hindi na napapanahon.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Maaaring nais mong mapanatili ang sitwasyon sa trabaho – bagama’t naiisip mo ring mag-break para sa iyong sarili.

Aquarius (Feb. 16-March 11) Ramdam mong ang iyong mga paghihigpit ay nakaaapekto rin sa iyo. Bigyan ng kalayaan ang sarili.

Pisces (March 11-April 18) Magiging magaan sa iyo ang buhay ngayon, mainam sa pagtanggap ng bagong proyekto.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Huwag pipigilan ang sarili sa mga bagay na nais mong gawin. Maaaring hindi mo na ito magawa pa kung hindi ipatutupad ngayon.

Lady Dee