Thursday , June 4 2026

Transgender inilunod sa inodoro (Ayon sa medico legal)

101714 rali protest transgender laudeMULING kinalampag ng mga militanteng grupo ang Embahada ng Amerika sa Maynila at iginiit ang hustisya sa para sa transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer, pinatay ng US Marine na si Private First Class Joseph Scott Pemberton. Nanawagan din ang grupo para sa pagbasura sa VFA at EDCA. (BONG SON)

PAGKALUNOD o ‘death by asphyxia caused by drowning’ ang ikinamatay ng isang transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer sa Olongapo City.

Batay ito sa kopya ng opisyal na medico legal report na isinumite sa Prosecutor’s Office nitong Miyerkoles.

Matatandaan, natagpuang patay si Laude, 26, sa Celzone Hotel habang nakasubsob sa inodoro at nakalawit ang dila.

Sinasabing huling nakita ang biktima nang mag-check in sa isang kwarto kasama ang US Marine na si Private 1st Class Joseph Scott Pemberton.

Hinihinalang sinakal at nilunod sa inodoro hanggang malagutan ng hininga ang biktima dahil sa nakitang marka sa leeg.

Miyerkoles ng hapon nang isampa ang kasong murder kay Pemberton sa Olongapo City Hall of Justice.

Kompyansa ang prosekusyon na malakas ang ebidensya nila laban sa Amerikanong sundalo.

Inaasahang sunod na hihilingin ng bansa ang kustodiya kay Pemberton. Nananatili ang suspek sa USS Peleliu.

(RAUL SUSCANO)

KUSTODIYA SA US MARINE INIHIHIRIT NG DFA

NAGHAHANDA na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa pag-apela para sa kustodiya ng Amerikanong suspek sa pagpaslang sa transgender na si Jeffrey Laude alyas Jennifer.

Ayon kay DFA Spokesperson Charles Jose, magpapadala sila ng diplomatic note sa US Embassy para kombinsihing i-turn over sa Filipinas ang suspek na si US Marine Private First Class Joseph Scott Pemberton.

Gayonman, tulad ng paglilinaw ni Presidential Commission on VFA Usec. Eduardo Oban, bagama’t nasampahan na ng kasong murder si Pemberton, hihintayin pa ng DFA ang arrest warrant laban sa suspek bago magpaabot ng request sa Amerika.

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …

Kiko Barzaga

Barzaga pinatalsik na, binura pa sa roster ng House of Representatives

BINURA kagabi, Martes, 2 Hunyo 2026, sa roster ng mga miyembro ng Kamara si Cavite …