Joke Time: Tutpik

00 Joke

Customer: Ano ba naman itong tutpik n’yo, iisa na nga lang ang dali pang mabali.

Waiter (inis): Alam n’yo sir, ang dami ng gumamit n’yan,’pero kayo lang nakabali!

 

Confident Vs Confidential

Anak: Itay, ano kaibahan ng confident sa confidential?

Itay: Anak kita, CONFIDENT ako d’yan. ‘Yung bespren mong si Tikboy, anak ko rin, CONFIDENTIAL ‘yan.

 

First love never dies

Anak: Inay, totoo ba na “First love never dies?”

Nanay: Aba, oo. Tignan mo ‘yang Tatay mo, hanggang ngayon buhay pa ang animal!

 

Suko sa mister

Mrs 1: Suko na ako sa mister ko, lagi na lang ako binubugbog bago niroromansa…

Mrs 2: Mas grabe ‘yung mister ko. Binubugbog ako tapos si Inday ang niroromansa.