Marion, kulang sa PR

091714 marion aunor

[divider]
ni ROLDAN CASTRO

[divider]

Takaw-pansin din ang sexy at magandang gown ni Marion Aunor na binili pa sa States. Unang award din ito ni Marion kaya sana magsilbing daan ito na i-improve niya ang PR niya at tandaan ang mga nakakasalamuhang press. Sana manahin niya ang bonggang PR ng kanyang ina na si Lala Aunor. Pinag-uusapan kasi na si Lala ang ma-PR at hindi siya.

Ang Gabi ng Parangal ay mapapanood sa ABS-CBN’s Sunday’s Best sa  Setyembre 21, 11 p.m..

Ang 6th PMPC Star Awards for Music ay mula sa produksiyon ng Airtime Marketing ni Ms. Tess Celestino at sa direksiyon ni Arnel Natividad.