Carla, walang reklamong naghintay kay Tom kahit inumaga ang taping ng game show

082714 carla tom

[divider]
ni Ronie Carrasco III

[divider]

INABOT NG madaling araw ang taping ng pilot episode ng bagong franchise game show ng GMA hosted by Tom Rodriguez.

Understandably so, dahil unang-una, it being a local version of a foreign show ay dapat swak ito sa original format nito in all aspects. Secondly, natural lang na anumang programa—franchise o hindi—is going through birthing pains.

Pero sa kaso ng show ni Tom, it gave “birth” to the reality na sila na nga ni Carla Abellana, this despite their ho-hum, persistent denials.

Providing moral support kasi sa taping na ‘yon was the conspicuous Carla who patiently stayed hanggang matapos ang taping. For any girl to do that ng walang karekla-reklamo sa tagal ng taping hours—gayong hindi naman siya bahagi ng show—must be a telling sign kung ano talaga ang namamagitan sa kanila ng boy.

Kung sabagay, Carla and Tom have—in fairness—earned the public kilig dahil sa totoo lang, bagay sila like a pail to a shovel.