00 zodiac

Aries (April 18-May 13) Ang mga isyu kaugnay sa iyong propesyonal na buhay ang pagtutuunan mo ng atensyon ngayon.

Taurus (May 13-June 21) Naging busy ka sa pakikipagsosyalan nitong nakaraang mga linggo kaya nakaligtaan mo ang special person sa iyong buhay.

Gemini (June 21-July 20) Posibleng may maganap na malaking pagbabago para sa iyo sa hinaharap.

Cancer (July 20-Aug. 10) Maaaring malaki ang iyong nagastos na pera nitong nakaraan at pinoproblema mo ang perang ibabayad sa bills.

Leo (Aug. 10-Sept. 16) Mainam ang araw ngayon para balikan ang mga nangyari nitong nakaraang linggo at suriin ang mga ito.

Virgo (Sept. 16-Oct. 30) Ipagpaliban muna ang itinakdang general cleaning sa bahay. May mas mahalaga kang dapat pagtuunan ng pansin.

Libra (Oct. 30-Nov. 23) Ang iyong isip ay buong nakatuon sa iyong trabaho. Kaya naman wala ka nang panahon sa mga kaibigan at pamilya.

Scorpio (Nov. 23-29) Mainam ang araw ngayon para sa isyu ng pananalapi. Suriin ang iyong credit card. Malaki ba ang iyong nautang?

Sagittarius (Dec. 17-Jan. 20) Makararamdam ka ng matinding katamaran ngayon at hahayaan mo ito.

Capricorn (Jan. 20-Feb. 16) Sa iyong palagay, ikaw ay praktikal, ngunit ang iyong isip ay maaaring matuon sa mistikal at ispiritwal.

Aquarius (Feb. 16-March 11) May makahaharap kang oposisyon. Maging ang mga sumasang-ayon sa iyo ay maaaring hindi makipag-cooperate ngayon.

Pisces (March 11-April 18) Ang iyong pagtutuunan ng pansin ngayon ay ang pagtatakda ng mga hangarin para sa kinabukasan.

Serpentarius (Ophiuchus) (Nov. 29-Dec. 17) Mainam ang araw ngayon para sa pag-iisip ng konkretong mga paraan para sa pagsasakatuparan sa mga plano.

Lady Dee