Sunday , April 28 2024

Vidanes, pinarangalan ng CEO Excel Award mula IABC

091514 CoryVidanes CEO Excel IABC

ni Roldan Castro

PINARANGALAN ang ABS-CBN broadcast head na si Cory Vidanes ng Communication Excellence in Organizations (CEO Excel) Award mula sa prestihiyosong International Association of Business Communications (IABC) Philippines para sa kanyang epektibong pamumuno at mahusay na paggamit ng komunikasyon sa pamamahala ng mga programa at kampanya ng Kapamilya Network.

“Sa nakalipas na 28 na taon ko sa ABS-CBN, nabigyan ako ng pagkakataon na maglingkod sa mga Filipino. Gaya ng IABC, pinahahalagahan ko ang paggamit ng komunikasyon upang pagsilbihan ang ating mga kababayan para mas mapabuti ang kanilang kalagayan,” pahayag ni Vidanes sa kanyang acceptance speech na binasa ng ABS-CBN head of TV production na siLaurenti Dyogi sa awards night noong Huwebes (Sept 4).

Bilang broadcast head, si Vidanes ang nangangasiwa ng pagbubuo ng mga konsepto at ng produksiyon ng mga programa ng Channel 2, pati na ang mga proyektong nagbibigay ng serbisyo publiko sa mga Filipino.

About hataw tabloid

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *