Thursday , June 4 2026

Pusong Walang Pintig ng Pagibig (Part 24)

00 puso rey

PINUNTAHAN NI YUMI ANG NOBYONG SI ARMAN SA PROBINSIYA

Nagpahatid sila sa lumang bahay ng mga magulang nito na tinutuluyan ng kanyang nobyo. At sa pagkakaupo nila sa loob ng pampasaherong sasakyan ay medyo naging emosyonal sa pagkukuwento ng tungkol sa nakatatandang kapatid.

“Hanga ako sa pagtataglay ni Kuya Arman ng maraming katangian… Pero pagdating pala sa usapin ng puso, e, napaka-weak niya.   Maka-recover pa sana si Kuya… Sabagay, sarili lang naman talaga niya ang makatutulong sa pinagdaraanan niya ngayon,” anitong pigil-pigil ang paggaralgal ng boses.

“Sisikapin kong makatulong sa kanyang kalagayan…” sabi ni Yumi na parang isang pa-ngako sa kapatid ng kanyang nobyo.

“Sana nga…” anito sa pagpapakawala ng buntong-hininga.

Inabutan ni Yumi si Arman sa loob ng isang madilim na silid ng lumang bahay ng pamilya nito sa kanilang probinsiya. Gulo ang buhok ng kanyang nobyo na ‘di nasusuklay. Gusot ang mga kasuotan sa katawan. Lupaypay ang mga balikat sa pagkakaupo sa papag na tulugan. At tila malalim ang iniisip habang nakatingin sa kawalan.

Ang bigat sa kanyang dibdib ay halos sumambulat nang mapagmasdan niyang mabuti si Arman. Kusa na tuloy nalaglag ang luha sa mga mata niya. Niyakap niya nang buong higpit ang kasintahan na ‘di agad nakahuma sa kanyang paglapit. At kuminig ang kanyang mga labi sa maagap na paghingi ng tawad. Nag-imbento siya ng mga kasinungalingan upang palabasin na hindi niya sinadyang saktan ang damdamin nito.

“M-maniwala ka, Arman… Ang text message kong ‘yun kay Jimmy John na na-wrong sent sa ‘yo ay chika lang… para maging madali ang aking access sa pag-iinterbyu sa kanya,” aniya sa pagpatak ng luha sa kanyang mga pisngi.

Nag-angat ng mukha si Arman at matiim nitong itinuon ang mga mata sa kanyang mga mata. (Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

OKGames

OKGames Brings Gaming and Entertainment Together at the OKGL Baccarat Master Series and OKAngels Finals

Lights dimmed, music filled the room, and anticipation grew stronger with every moment as OKGames …

PUREGOLD OPM CON GEN 2026 Feat

SB19, Ben&Ben, Alamat, Flow G
PUREGOLD IPINAGDIRIWANG TALENTO NG PINOY SA OPM CON GEN 

ITATAMPOK muli ng Puregold ang malalim na ugnayan ng mga Filipino at ng OPM sa Araneta Coliseum …

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Club’s First every winner of the BMW X1 Hybrid

BingoPlus VIP Clubs First every winner of the BMW X1 Hybrid Manila, Philippines — A …

SM Bacolod Bulawan Trade Fair

5 Reasons Shoppers are Obsessed with the Bulawan Trade Fair at SM Bacolod
Discover Negrense artisans, local finds, and exciting experiences that deserve a spot on your plans

SM Supermalls and the Association of Negros Producers (ANP) formally open the Bulawan Trade Fair …

SM Supermalls cycling bicycle

SM Supermalls Expands Nationwide Push for Cycling Through Bike-Friendly Facilities and Active Mobility Initiatives

MANILA, Philippines – Since the energy crisis, many Filipinos have been exploring alternative modes of …