P135-M Grand Lotto no winner pa rin

WALA pa rin nakasungkit sa premyong nakalaan para sa 6/55 Grand Lotto.

Ayon sa ulat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), walang pinalad na makakuha ng winning number combination na 14-11-31-48-33-27.

Mayroon itong P135,840,996 pot money na inaasahang lolobo pa sa susunod na draw date.

Ang Grand Lotto ay may regular draw schedule tuwing Lunes, Miyerkoles at Sabado.