Manilyn, naningil ng malaking TF kaya ‘di nakasama sa concert nina Tina at Sheryl?

082914 manilyn reynes

ni John Fontanilla

[divider]

HOW true ang nakalap naming balita na ang rason daw ng ‘di pagkakasama sa darating na konsiyerto ni Sheryl Cruz na nakatakdang ganapin sa Music Museum ay ang pagsingil ng mataas na presyo ni Manilyn Reynes?

Kaya naman daw imbes na isama ito ng producer ng concert ni Sheryl ay ahindi na ito isinama dahil hindi raw kinaya ang taas na hinihinging kabayaran ni Manilyn para sa ilang kanta.

Akala naman daw kasi ng nasabing producer ay magbibigay ng mababang presyo si Manilyn dahil magkaibigan naman sila ni Sheryl pero hindi pala. Kaya ang ending, tanging si Tina Paner na lang ang makakasama sa concert at bigo ang mga tagahanga nila na umaasang muling mapapanood sa iisang concert ang Triplets na kinabibilangan nina Manilyn, Tina, at Sheryl.

‘Yun na!