Wednesday , December 11 2024

Mariel, napatakbo nang maglambitin si Robin (Pilot episode, patok agad sa viewers)

082314 Mariel Rodriguez robin padilla
 ni Roldan Castro

NATAKOT at kinabahan si Mariel Rodriguez sa ginawang opening ni Robin Padilla sa Talentadong Pinoy 2014. Iba talaga ang karakter na ibinigay ni Robin sa show kung ikukompara sa dating host na si Ryan Agoncillo. Umiral alaga ang pagka-action star niya at ipinakita niya ‘yung siya bilang si Robin Padilla. Pag-enter pa lang, energetic na. Hindi naman palaging may opening number si Binoe dahil gagawin lang ‘yun sa mga special na okasyon. Ngayong second episode ay gigimik na siya sa mga spiel niya.

May isang contestant din na lumalambitin sa ere with tela, ginagaya ni Robin ‘yun. Si Mariel naman ay tumatakbo sa production, nagagalit at sinasabing hindi niyo ba siya pahihintuin? Kumbaga, tinatanong niya kung hahayaan ba nila na gawin ni Binoe ‘yun? Of course, natatakot si Mariel para sa asawa niya.

Hindi rin kasi mapigilan si Robin, susubukan niya talaga kung anuman ‘yung mga extreme na talent. Wish nga ni Mariel, sana walang contestant na kakain ng blade at baka gayahin din ng action superstar-host.

‘Pag sumasayaw nga ‘yung mga contestant after ng performance nila before ng judging sinusubukang i-try ni Robin. Gusto raw niyang ma-feel kung ano ang nararandaman ng mga contestant. Sey nga ni Binoe: “Hindi niyo alam dancer din ako rati sa school.” Kaya naman nagsasayaw din siya sa show.

PILOT EPISODE, PATOK AGAD SA VIEWERS

Patok ang initial telecast ng TV5 ng Talentadong Pinoy 2014. Sa pamantayan ng Kapatid Network, mataas ang ratings ng time slot na ‘yun sa show nina Binoe at Mariel. Napataas talaga nila ang value ng 7:00-8:00 p.m. tuwing Sabado.

Naisakatuparan din ang request ni Robin na maka-lunch ang mga contestant. So, hindi na mukhang strangers sa kanya ang mga contestant at mukhang may rapport ‘pag kinakausap niya after ng performance nila at mas totoo ‘yung mga nagiging comments niya.

So, hindi lang abogado si Robin sa mga contestant kundi personal din ang pagiging host niya sa mga performer sa Talentadong Pinoy.

Sa first episode ng talentado ay mayroon daw nai-save si Robin pero hindi rin umano kagalingan. Pero kaakibat ng pag-save ni Binoe sa nasabing contestant ay mabuksan ulit ang kurtina para matapos man lang ‘yung perpormance at mapanood ng buo. Sinabi ni Robin: “Kayo naman, isinara ninyo agad, hindi pa nga pumi-pick-up ‘yung performance niya.”

Althought, alam din ni Robin na  hindi pa rin pang-winning performance ‘yun. Kaya hindi naman siya umapela sa jury. Binigyan lang niya ng chance na matapos para makita ng mga tao kung ano ‘yung performance niya at climax nito.

Ang isa pa kasing dapat gawin ni Robin ay iapela sa mga jury kung maganda talaga ang performance ng contestant.

Kung ‘yung contestant na ‘yun ay nasarahan at naawa man si Robin pero kung para sa kanya ay karapat-dapat talaga i-save, ang next niyang gagawin ay i-appeal ito sa jury para bigyan ng higher score para madala.

Malaki rin ang parte ni Mariel sa power to save ni Robin at makikipag-usap ito sa mga contestant at relatives ng mga contestant during the show dahil laging ipinapaalala ni Mariel at ibinabalik ang mga katagang ‘okey, mabalik tayo sa nakita nating performance’. Kumbaga, si Mariel ang pang-back to reality after ng kuwento ng mga contestant at mga kamag-anak na may paawa effect at emote sa buhay.

Isa pang nakatutuwa kay Robin, lumalapit siya sa audience at walang bagot moment. Ngayong second episode ay nagbigay siya ng pera sa audience. Ang ginawa niya ay nagtanong kung sino ang may talent diyan. Parang dalawa o tatlo tapos ‘yung pinakamagaling ay binigyan niya ng pera. Hindi lang sure kung mai-ere ang part na ‘yun dahil one hour lang ang Talentado dahil hindi for airing ‘yun. Gustong isama ng production dahil masaya siya, ang magpipigil lang sa kanila ay ‘yung running time ng programa.

Sa third episode ng Talentadong Pinoy 2014 ay abangan din si Richard Gurierrez, isa sa mga judge. Para sa mga talentado ngayong Sabado, kasama ang mga kilalang showbiz celebrity na sina Richard, Miriam Quimbao, at John Sweet Lapus bilang talent scouts. Kakaibang talent ang ipakikita ng apat na kalahok.

Kailangan na ring magpondo ang mag-asawa ng advance episodes dahil magsisimula na ring mag-shoot si Robin ng kanyang entry na Bonifacio para sa MMFF.

About Roldan Castro

Check Also

Maris Racal Anthony Jennings

Maris at Anthony pinagwelgahan na ng mga produktong ineendoso

HATAWANni Ed de Leon NOONG una naming marinig ang statement at apology na ginawa niyong …

Jamela Villanueva Maris Racal Anthony Jennings

Pasabog kina Maris at Anthony parang national issue

I-FLEXni Jun Nardo UMARIBA ang mga sawsawero’t sawsawera sa pagbubuking kina Maris Racal at Anthony Jennings na para bang …

Blind Item Aktor hirap umupo TV Diretor

Male star bumalik sa pagbebenta ng lupa, direk iniwan

HATAWANni Ed de Leon NAKITA namin ang isang male star na gumagawa ng mga BL series sa …

Neri Naig

Neri Naig laya na, kasong isinampa ipinarerepaso 

HATAWANni Ed de Leon HALOS matapos ang limang araw na pinayagan si Neri Naig na madala sa …

Klinton Start

Klinton Start, patuloy sa paghataw sa dance floor

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG taon na ang nakaraan, isa si Klinton Start sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *