Wednesday , June 24 2026

Lalaki niligtas sa ‘autoerotic’ sex

Handcuffs and high heels

NILIGTAS ng German police ang isang lalaki na binihag ng labis sa tatlong araw at suot ang posas sa sinasabing ‘autoerotic accident’ ayon sa inisyal na ulat ng tagapagsalita ng pulisya.

Sinabi sa AFP ng tagapagsalita ng pulisya sa katimugang lungsod ng Munich na isang kapitbahay na naghahanap sa 57-anyos na biktima ang nagbigay sa kanilang ng impormasyon sa pagkakawala ng kanyang kaibigan.

Nang dumating ang mga awtoridad sa tahanan sa upscale Schwabing district at pinatunog ang door bell, walang sumagot at nakita ang pahayagan ng nakalipas na tatlong araw na nakakalat sa sahig.

Sa mail slot, nakita ng mga pulis na bukas ang ilaw at may narinig din silang mga ingay sa loob ng bahay.

Pwersahan binuksan ang pinto at doon na nakita ang biktimang nakahiga sa sahig ng kusina at halos walang malay na ang tanging usinuot ang kanyang underwear at bota ng babae at nakaposas ang mga kamay.

“Naniniwala kaming ito’y isang autoerotic accident na naging dahilan para ang biktima ay hindi makalabas ng kanyang bahay sa loob ng tatlong araw,” wika ng mga imbestigador.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Over 21,000 Filipinos Access Job Hiring and Upskilling Opportunities Through SM Supermalls and DOLE’s Nationwide Araw ng Kalayaan Job Fairs

SM in collaboration with the Department of Labor and Employment (DOLE) hosted the Araw ng …

FFCCCII Filipino at Tsino Magkaibigan Foundation

Filipino-Chinese Groups Unite to Deliver P11 Million in Earthquake Assistance

The Filipino-Chinese community, led by the Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. …

Pag-IBIG Housing Loan 4PH

Pag-IBIG Fund offers promo home loan rates to make more homes affordable under President Marcos’ Expanded 4PH

President Ferdinand R. Marcos Jr.’s Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program continues to make …

Bringing Hope to Mindanao COSOVA Partners with Angat Buhay for Earthquake Relief Efforts

Bringing Hope to Mindanao: COSOVA Partners with Angat Buhay for Earthquake Relief Efforts

In the difficult days following the recent earthquake in Mindanao, COSOVA took immediate action to …

Nustar Online IRUNPH South Run All Out, All Proud

Nustar Online sinuportahan mga lokal na magsasaka at IRUNPH South Run: All Out, All Proud

ISANG matagumpay  at makabuluhang milestone para sa Nustar Online ang pagsali sa IRUNPH South Run: All Out, All Proud bilang …