Amazing: 3 kuting inalagaan ng lalaking aso

PARANG tunay na ina na inalagaan ng isang aso ang tatlong ulilang kuting habang naghihintay ng mag-aampon sa kanila sa Italy. (http://www.boredpanda.org)
[divider]
MISTULANG ina si Peppo, isang Jack Russell Terrier sa Italy, sa tatlong ulilang kuting na inalagaan niyang parang kanyang mga tuta.
Pinatutulog niya sa kanyang tabi ang mga kuting habang naghihintay sa mag-aampon sa kanila.
Hindi lamang siya nakikipaglaro sa mga kuting kundi nililinisan din niya ang mga ito na parang kanyang mga anak.
Si Peppo ay may kasama ring pusa na itinuturing niyang kapatid, si Gas. (http://www.boredpanda.org)
