Thursday , June 4 2026

Pang 100 times, na halikan nina Maya at Ser Chief mapapanood today sa Be Careful …

081314 Jodi richard

ni Peter Ledesma

Yes, simula nang maging sila hanggang sa lumagay sa tahimik at magkaroon ng kambal na anak na sina Baby Sunshine at Baby Sky. Ngayong araw na ito ay masasaksihan ng viewers ng No. 1 teleserye sa Daytime na “Be Careful With My Heart” ang pang 100 times na halikan ng mag-asawang Lim na sina Maya (Jodi Sta. Maria) at Ser Chief(Richard Yap). Matatandaang sa nakaraang mga episode ng Be Careful ay nagkatampuhan ang mag-asawa pero naayos din naman nang suyuin ni Ser Chief ang kanyang misis.

Ngayon, tuloy sa pagkayod ang dalawa, si Ser Chief inaasikaso ang kanilang negosyo samantala si Maya ay nagtatrabaho pa rin bilang flight steward sa isang Airline Company. Pero busy man pareho sa kanilang trabaho ay may time pa rin sila sa kanilang twins na sobrang kinaaaliwan nila at mga anak ni Ser Chief sa unang asawa na sina Nikki (Janella Salvador), Luke (Jerome Ponce) at Abby na ginagampanan naman ni Mutya Orquija. Huwag palalampansin ang very exciting na episode mamaya sa nasabing kilig serye na mapapanood pagkatapos ng The Singing Bee.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

JP de Guzman

JP De Guzman, humahataw bilang commercial model

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio AKTIBO bilang isang commercial model si JP De Guzman. Actually, humahataw …

Rhian Ramos Christian Natividad

Malolos Mayor Christian Natividad, hindi malilimutan si Rhian Ramos

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAG-SHOWBIZ pala noon si Malolos Mayor Christian Natividad, bale, nagkaroon daw siya ng ilang cameo roles sa pelikula …

Robi Domingo Maiqui Pineda Baby

Robi daddy na, ‘newest housemate’ tawag sa anak 

MA at PAni Rommel Placente ISA nang ganap na tatay ang Kapamilya TV host na …

Daniel Padilla Kaila Estrada

It’s just is. And we just are — Daniel sa pictures nila ni Kaila

MA at PAni Rommel Placente NAGBAHAGI sa kanyang Instagram page si Daniel Padilla ng mga litrato nila ng girlfriend …

Sheryl Cruz 2026 Model Mom Award Viva Cafe

Sheryl Cruz Model Mom 2026

MATABILni John Fontanilla ISA si Sheryl Cruz sa pinarangalan sa 2026 Model Mom Award na ginanap sa Viva Cafe …