Thursday , April 25 2024

Goma at Lucy, hihingi na ng advise sa doctor para magkaanak muli

080614 richard gomez lucy torres

ni John Fontanilla

PABIRONG ikinuwento ni Richard Gomez ang newest game show host ng TV5 via Quiet Please! Bawal Ang Mag-ingay! na  mapanood na simula August 10, 8:00 p.m.. na sana raw noong bata siya ay hindi na siya nag-ingat para marami siyang anak.

“Alam mo, noong binata ako, siyempre may kaunting kalokohan. Natatakot ka, baka makabuntis ka.

“Tapos ‘pag may asawa ka na, ang hirap pala (magkaanak), ‘no?  Then, iisipin mo, sana pala hindi ako nag-ingat noon!” pabiro nitong pahayag.

Hindi naman itinatago ni Richard na ang pagka-gusto nitong magkaroon ng anak at para masundan na rin si Juliana na 13 years old na, lalong- lalo na ang anak na lalaki. ”Paano kasi, kung hindi ako nagkaanak ng lalaki, wala nang Gomez. End of the line ako.

“Hindi namin alam kung anong gagawin naming steps, if we’re going to see a doctor!

“Pero kasi kami ni Lucy, some two or three weeks ago, nag-usap kami. ‘Let’s try one more time’.

“Siguro, at this point, we’ll try or maghe-help kami ng advice sa doctor,” pagtatapos ni Goma.

PAGPAPALABAS NG IBONG ADARNA SUPORTADO NG NPC!

”GINAWA namin ang ‘Ibong Adarna’ para ma-remind ang mga kabataan tungkol ditto at kung gaano kaganda ang istorya nito,” ito ang paunang pahayag ng director ngIbong Adarna na si Direk Jun Urbano sa mini-presscon na ginanap sa National Press Club.

“Hindi namin ginawa ang ‘Ibong Adarna’ para kumita ngmalaki. Para sa amin kumita lang ng kaunti okey na. Pero if kikita ng mas malaki mas maganda kasi may kasunod na pelikulang puwede kaming gawin ulit.

“Pero this time ginawa namin na imbes na tatlo ang Prinsipe isa na lang ang Prinsipe na inilagay namin dito na ginampanan ni Roco Nacino at wala rin kaming inilagay na love interest niya.”

Bukod sa Ibong Adarna ay marami pa raw na sumasailalim sa Kulturang Filipino ang gustong gawin ni Direk Jun katulad ng Rajah Soliman at Juan Tamad at mangyayari lang daw ito kapag kumita kahit paano ang Ibong Adarna.

Suportado ng NPC ang pagpapalabas ng Ibong Adarna na mapapanood na sa mga sinehan sa Setyembre. Bukod kay Rocco kasama rin sa cast ng Ibong Adarna ang mga award winning actors na sina Angel Aquino, Joel Torre, Leo Martinez, Lilia Cuntapay, Ronnie Lazaro, at sina Gary Lising, Karen Gallman , Kohol , Benjie Paras, at Pat Fernandez mula sa produksiyon ng Gurion Entertainment.

About hataw tabloid

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *