Nobyo nalunod nang mag-dive sa sea cliff (Trahedya sa swimming date ng mag-syota)

080414_FRONT

NAUWI sa trahedya ang masayang paliligo sa beach ng magkasintahan nang malunod sa lakas ng alon ang isa sa kanila sa Nasugbu, Batangas kamakalawa.

Dead-on-arrival sa Jabez Medical Hospital ang biktimang si Leo Biñas, 30, ng 32 Orchids LBC, Marikina City.

Dakong 2:30 p.m., masayang naliligo ang biktima kasama ang nobyang si Clarissa Calugay, sa Tali Beach, Brgy. Natipuan, Nasugbu, Batangas, nang maganap ang insidente.

Ayon sa nobya, pumunta sila sa sea cliff, nag-dive si Biñas pero sinalpok siya ng malakas na alon kaya hindi na nakalangoy hanggang malunod.

Sa tulong ng mga mangingisda, naiahon ang katawan ng biktima pero namatay din.

ni BETH JULIAN