Wednesday , July 24 2024

Ex-chairman itinumba sa harap ng mag-ina

ISANG dating barangay chairman ang pinasok ng dalawang armadong lalaki sa loob ng kanyang bahay saka binaril sa harap ng kanyang mag-ina sa Escalante, Escalante City.

Kinilala ang biktimang si Rommy Romo, dating kapitan ng Brgy. Dianay, Escalante City.

Pinasok ng dalawang ‘di nakilalang armadong lalaki ang bahay ng biktima habang kumakain kasama ang kanyang misis at 16-anyos anak na babae.

Agad inasinta ng baril ng mga suspek ang biktima na bumagsak sa harap ng kanyang mag-ina.

Nasugatan ang 16-anyos na anak ng biktima na mabilis na isinugod sa Alfredo Marañon District Hospital sa Sagay City dahil sa isang tama ng punglo.

Tumakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo. (Beth Julian)

About hataw tabloid

Check Also

Sonny Angara DepEd

Panawagan kay Angara
SUWELDO NG MGA GURO ITAAS, ‘KORUPSIYON’ SA DepEd DAPAT TUGUNAN — TINIO

NANAWAGAN si dating ACT Teachers Rep. Antonio “Tonchi” Luansing Tinio kay bagong-upong Department of Education …

FEHI, DHSUD sanib-puwersa para sa programang pabahay

FEHI, DHSUD sanib-puwersa para sa programang pabahay

NAGSANIB-PUWERSA ang kompanyang Far East Holdings Inc. (FEHI) at ang Department of Human Settlement and …

First Lady Liza Araneta-Marcos, namahagi ng mobile clinics

First Lady Liza Araneta-Marcos, namahagi ng mobile clinics

NAMAHAGI si First Lady Louise “Liza” Marcos, sa pakikipagtulungan ng Department of Health (DOH) ng …

Isko Moreno

Isko Moreno llamado sa muling pagtakbo sa Maynila

HATAWANni Ed de Leon ANO tatakbo na naman si Isko Moreno bilang mayor ng Maynila sa 2025? …

prison

300 PDLs mula Bilibid inilipat sa Iwahig Prison sa Palawan

INILIPAT ang may 300 persons deprived of liberty (PDLs) mula sa New Bilibid Prison (NBP) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *