Tuesday , July 16 2024

Danica Barretto wala nang paki sa daddy niyang si Kier Legaspi

 

ni Peter Ledesma

NAGING guest ni Tim Yap two weeks ago sa kanyang late night show sa GMA 7 ang controversial blogger na daughter ni Marjorie Barretto kay Kier Legaspi na si Danica Barretto. Biglang nakilala ng publiko si Danica dahil sa mysterious post sa kanyang Tita Claudine Barretto na pinatulan ng actress dahil feeling niya ginawa naman niya ang lahat para sa pamangkin pagkatapos paglalaruan lang siya sa social media. S’yempre unfair naman ‘yun for Clau’s part.

By the way, sa naturang guesting ay naging topic ni Tim ang tungkol sa daddy ni Danica na si Kier Legaspi. Nagkwento naman ang nasabing blogger sa supposedly, na pagiging malapit sana nila ng kanyang amang aktor. Pero talagang wala raw siyang nararamdaman lalo pa’t teenager na siya nang magkakilala sila ng kanyang tatay. Mas sanay na raw siya na isa lang ang magulang na katabi niya at kontento na siya sa pag-aalaga ng kanilang mom Marjorie sa kanilang magkakapatid.

Saka may iba na raw naman pamilya ang kanyang daddy Kier, kaya matagal na niyang tanggap ang ganitong sistema o sitwasyon.

May point naman siya gyud!

15 BAGONG “HIMIG HANDOG” HITS MAPAKIKINGGAN NA SA MOR 101.9 FOR LIFE! SIMULA NGAYONG SABADO

Angeline, Daniel, Abra, Michael at iba pang OPM Stars, Kabilang sa “HIMIG HANDOG 2014” interpreters

Bibigyang-buhay ng ilan sa pinakasikat na Filipino recording artists ang 15 napiling kanta sa “Himig Handog Pinoy Pop (P-POP) Love Songs 2014.”

“Mas matindi ang labanan ngayong taon dahil mas malawak ang itatampok nating genre ng mga awiting sinulat ng magkahalong veteran at bagong songwriters. At dahil d’yan ay mayroon tayong exciting mix ng singers na mag-i-interpret ng ating mga bagong ‘Himig Handog’ hits,” pahayag ng Star Music head na si Roxy Liquigan kaugnay ng bagong edisyon ng pinakamalaking multimedia songwriting competition sa bansa.

“Magbabalik bilang ‘Himig Handog’ interpreters sina Angeline Quinto, Daniel Padilla, Juris, Bugoy Drilon, Jovit Baldivino, Marion Aunor, Jessa Zaragoza, at KZ Tandingan. Pero may mga first-timer rin tayo gaya nina Ebe Dancel at Abra, Jugs at Teddy, Janella Salvador, Morisette Amon, Hazel Faith dela Cruz, Michael Pangilinan, at Jed Madela,” ani Liquigan. Si Angeline ang aawit ng “Hanggang Kailan” na komposisyon ni Jose Joel Mendoza; si Daniel ng kantang “Simpleng Tulad Mo” ni Meljohn Magno; Juris ng “7 Minutes” ni Mary Grace Gabor; Morisette ng “Akin Ka Na Lang” ni Francis Louis Salazar; Jessa ng “Bumabalik ang Nagdaan” ni Sarah Jane Gandia; Jovit ng “Dito” nina Raizo Brent Chabeldin at Biv De Vera; Ebe kasama si Abra ng “Halik sa Hangin” ni David Dimaguila; Jed ng “If You Don’t Want to Fall” ni Jude Gitamondoc; Janella ng “Mahal Kita Pero” ni Melchora Mabilog; KZ ng “Mahal Ko o Mahal Ako” ni Edwin Marollano; Bugoy ng “Umiiyak ang Puso” ni Rolando Azor; Jugs at Teddy ng “Walang Basagan ng Trip” ni Eric De Leon; Marion kasama sina Rizza and Seed “Pumapag-ibig” ni Jungee Marcelo; at Michael ng “Pare Mahal Mo Raw Ako” ni Jovinor Tan. Samantala, ang songwriter-finalist namang si Hazel Faith ang interpreter ng sarili niyang komposisyong “Everything Takes Time.” Ang 15 finalist songs ng “Himig Handog Pinoy P-POP Love Songs 2014” ay mapakikinggan na rin sa radyo at internet dahil patutugtugin na simula ngayong Sabado (Agosto 2) sa official FM station ng ABS-CBN na MOR 101.9 For Life! at sa “MOR TV” nito sa www.mor1019.com. Sa ika-anim nitong taon, patuloy ang “Himig Handog” sa pagtuklas ng mga de-kalibreng Filipino composer na may mga obra-maestrang tiyak na tatatak sa puso ng mga nakikinig at mamahalin ng maraming henerasyon. Ilan sa original Pinoy music (OPM) classic love songs na sumikat sa pamamagitan ng “Himig Handog” ang “Hanggang” ni Wency Cornejo, “Kung Ako na lang Sana” ni Bituin Escalante, “Kung Ako ba Siya” ni Piolo Pascual, “Bye Bye Na” ni Rico Blanco, “This Guy’s in Love with You Pare” ni Chito Miranda, at ang dalawang big hit noong 2013 na “Nasa Iyo Na Ang Lahat” ni Daniel at “Anong Nangyari Sa Ating Dalawa” ni Aiza Seguerra. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa “Himig Handog P-Pop Love Songs,” bisitahin ang Facebook fanpage ng Star Records na www.facebook.com/starrecordsphil o i-follow ang @starrecordsph sa Twitter.

MISS INDIA NA SI GILBERT LARQUEZA, ITINANGHAL NA “SUFFER SIREYNA”SA EAT BULAGA

Bading tumanggap ng sangkatutak na premyo

For sure, sobrang ini-enjoy na ngayon ng kapatid nating si Gilbert Larqueza ang pagkakapanalo niya sa “Suffer Sireyna 2014” na siya ang kinoronahan nitong Sabado sa Grand Finals ng nasabing katuwaang Gay Beauty Pageant na ginanap sa Marikina Sports Center at pinanood ng libo-libong Dabarkads natin.

Very proud kay Gilbert o Miss India at Isabelle Daza ang mga kalugar sa Brgy. Arkong Bato, Valenzuela City lalo na siyempre sa Barangay Chairman nila rito. Tinalo ni Gilbert ang apat na grand finalists kaya siya ang magwagi sa challenge na ipinagawa sa kanila tulad ng pagbubuhat ng kalating sako ng bigas, lulubog sa dalawang swimming pool para hanapin ang dalawang number, sasakay ng bike at lulusot sa garter papuntang mesa para kainin ang Kebab na may sibuyas, kamatis etc. Dahil siya ang may pinakamabilis na oras na natapos ang challenge sa kanya napunta ang korona at P200K plus pangkabuhayan showcase tulad ng ipinamimigay araw-araw ng Eat Bulaga sa kanilang public service segment na Sugod-Bahay sa Barangay.

Bahagi ng kalati ng cash prizer ni Gilbert na P100K ay napunta sa kanilang Barangay. Si Joseph Baldomero ang Miss Czech Republic o Marian Rivera ng Brgy. Malanday, Valenzuela naman ang nanalo sa “Best in Costume” na tumanggap ng P10K plus sash and bouquet of flowers. Sina Marian Rivera at Gretchen Ho atbp ang mga judges sa Suffer Sireyna. May charity project rin na ginawa ang nasabing finalists sa pamamagitan ng pag-iipon ng plastic bottles na kanilang ipinagkaloob sa project ng Bulaga na Plastic ni Juan!

About hataw tabloid

Check Also

Maris Racal Rico Blanco Anthony Jennings

Maris nilinis pangalan ni Anthony; Rico pinagtagpo pero hindi itinadhana

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “ANTHONY is out of the picture.” Ito ang agad na nilinaw …

Blind Item, Matinee Idol, Mystery Man

Male Starlet walang maipagmalaking project kahit nakakontrata sa isang kompanya

ni Ed de Leon ANG bagay nga sigurong project para sa isang male starlet ay “Bata. Bata …

James Reid Issa Pressman

James Reid lipas na, inulan ng panlalait sa internet 

HATAWANni Ed de Leon KAWAWA rin naman si James Reid kung noong panahon ng kanyang kasikatan ay …

cyber libel Computer Posas Court

Batas laban sa Cyber Crime malabnaw

HATAWANni Ed de Leon NATAWAG ang aming pansin sa isang video na napanood sa programa …

James Reid Liza Soberano

James inihayag Liza maraming nakalinyang projects

MA at PAni Rommel Placente MALAKI raw ang posibilidad na gumawa ng pelikula sina James Reid at …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *