Wednesday , January 26 2022

42 Taiwanese sa cyber crime ipinatapon

080114 cybercrime taiwanese immigration080114 cybercrime taiwanese immigration 2

IPINATAPON na kahapon ng Bureau of Immigration (BI) ang 42 Taiwanese national na sinabing sangkot sa iba’t ibang uri ng cyber crime. Isinakay ang grupo sa Philippine Airlines flight PR-896 patungong Taipei dakong 7:00 a.m. (EDWIN ALCALA)

IPINATAPON ng Bureau of Immigration (BI) pabalik sa kanilang bansa ang 42 Taiwanese national na pawang mga miyembro ng sindikatong cyber crime.

Ang grupo ay isinakay sa PAL flight PR-896 patungong Taipei, pasado 7 a.m.

Bahagyang na-delay ang flight  ng eroplano nang tumanggi ang flight crew ng PAL, at idiniing dapat ay ipinasuri muna sa kanilang medical clinic ang isa sa Taiwanese na may sore-eyes, sa pa-ngambang makahawa sa iba pang mga pasahero.

Ayon kay SPO4 Reynaldo Alvaira, isa sa mga escort ng mga Taiwanese patungong Taiwan, ang mga dayuhan ay nahuli noong Hulyo 4 sa kanilang hide-out sa Iloilo.

Ang nasabing sindikato ay sangkot sa telephone fraud, at binibiktima nila ang kanilang kababayang taga-Taiwan, at China.

Kapag may kaso, kunwari ay inaayos nila habang nagpapanggap bilang prosecutors, judges, pulis at opisyal ng anti-money laundering.

About hataw tabloid

Check Also

BBM Bongbong Marcos

#MarcosDuwag nag-trending

DALAWAMPU’T APAT ORAS nag-trending ang #MarcosDuwag sa social media kamakailan mata­pos umatras ni presidential aspirant …

012122 Hataw Frontpage

Mandatory military service sa 18-anyos
SARA ‘BINARIL’ NG DND SEC

ni ROSE NOVENARIO                WALANG digmang pinaghahandaan ang Filipinas kaya hindi kailangan ang batas na magtatakda …

Sunog sumiklab
50 KABAHAYAN NATUPOK SA STA. MARIA, BULACAN

NAABO ang halos 50 kabahayan sa bayan ng Sta.Maria, sa lalawigan ng Bulacan, matapos sumiklab …

dead gun police

Holdaper todas sa enkuwentro, nagrespondeng pulis sugatan

PATAY ang isang holdaper, samantala sugatan ang isang pulis, sa naganap na enkuwentro sa Sitio …

Bulacan Police PNP

Serye ng operasyon ikinasa ng PNP Bulacan; 1 patay, 9 arestado

BUMULAGTA ang isa sa mga hinihilang tulak ng ilegal na droga habang nadakip ang siyam …

Leave a Reply