Ricky Davao, kinilig sa halik ni Jason (Sanay na ring makahalikan ang mga kapwa lalaki)
SI Ricky Davao yata ang may pinakamaraming pelikula sa 10th Cinemalaya Film Festival na gaganapin sa CCP Theater mula Agosto 2-10.
Kasama si Ricky sa Janitor, Marikina, at Separados kaya hindi na nakapagtataka kung manalo siyang Best Actor dahil sa mga ginampanan niyang papel.
Samantala, sa Separados ay gagampanan ni Ricky ang isang closet gay husband ni Melissa Mendez na ang lover ay si Jason Abalos.
Hindi na bago kay Ricky ang papel na bading dahil nakailan na siya at higit sa lahat, sanay na siyang magkaroon ng kahalikang lalaki. Kaya naman natanong ang premyadong aktor kung paano niya ikukompara ang halik ni Jason sa ibang naka-kissing scene niya.

โIba-iba kasi, โyung kay Allan (Paule) sobrang (intense) kasi lover ko siya, kumbaga inaruga ako, inalagaan ko, so โyung halikan namin doon, intense, passionate, (naka) take three nga โyun, eh.
โActually, ano nga, kasi ginawa namin โyun (kissing scene), nakaburol โyung anak ni Allan so ginawa namin, lumabas kami (bahay) at doon namin itinuloy. Hirap na hirap kami, but it shows the professionalism, tapos sabi ko galingan na lang natin kasi hindi papayag si direk Carlitos (Sigueon-Reyna), ayaw kitang halikan ng 20 times, so isa lang โyun sa pinagdaanan,โ nakangiting kuwento ng aktor.
Ang Lalaki sa Buhay ni Selya na pinagbidahan ni Rosanna Roces ang pelikulang binabanggit ni Ricky na ipinalabas noong 1998.
Ang sumunod ay si Christopher de Leon na pitong beses daw kinunan sa ibang bansa na ang titulo ng pelikula ay American Adobo na idinirehe ni Laurice Guillen taong 2002.
At kay Jason daw ay kinilig siya, โkay Jason, very nagulat ako kasi siya (sumibasib) โyung ano, kilig-kiligan nga. Ang hirap ano kilig kasi.
