Wednesday , January 26 2022

Anak ni Mark na si Crae, mas guwapo raw sa ama

073114 Mark Anthony Crae Fernandez

ni ROLAND LERUM

PINAGSO-SHOWBIZ na rin pala ngayon ni Mark Anthony Fernandez ang 15-anyos niyang anak. Member ng youth-oriented group na Gimme 5 si Crae Fernandez. Maganda ang boses ni Grae kaya nang mag-audition siya ay nakuha agad. Hindi naman niya akalaing mapapabilang siya sa limang kabataan na gagawing isang singing group.

Sa Gimme 5, si Nash Aquas lang ang kilala ng mga tao dahil matagal na siyang naging childstar at ngayon ay lumalabas na sa mga teleserye gaya ng Luv U sa ABS CBN.

Unang umapir bilang singing group ang Gimme 5 sa ASAP at agad  nakakuha ng maraming fans. Ano ang payo ni Mark sa kanyang anak?  ”Huwag daw po lalaki ang ulo ko,” sabi ni Crae.

Kung mabibigyan ng pagkakataon, sino ang gusto niyang makapartner sa pelikula? ”Si Kim Chui po kasi mabait at maganda bukod sa magaling siyang artista,” sagot niya.

At ano ang kanyang ideal girl? ”’Yong matalino lang po.”

Prangkahang tanong, Sino sa palagay niya ang mas guwapo sa kanilang dalawa ng tatay niyang si Mark? ”Siyenpre po, ako!” pagmamalaki niya.

About hataw tabloid

Check Also

Andrea Brillantes Seth Fedelin Francine Diaz

Papa O ibinuking daks na alaga ni Seth

MA at PAni Rommel Placente SA kanyang YouTube video kasama sina Mama Loi at Tita Jegs, sinabi ni Ogie Diaz na nakarating …

Kevin Santos wife

Kevin ikinasal na sa non-showbiz GF

REALITY BITESni Dominic Rea KILALA niyo ba si Kevin Santos o Kayvin Acupicup Santos sa totoong buhay na produkto …

Julie Anne San Jose Rayver Cruz

Pagli-link kina Rayver at Julie Anne sablay

REALITY BITESni Dominic Rea MUKHANG hindi umobra ang pagli-link kina Rayver Cruz at Julie Anne San Jose. After …

Bryan Termulo

Bryan Termulo tour guide sa Amerika Pagkanta hinahanap-hanap

MATABILni John Fontanilla MISS na ni Bryan Termulo ang local showbiz ngayong nasa Amerika siya at doon …

Aileen Papin DoLE TUPAD

Aileen kinokondina maruming pamomolitika sa TUPAD

HARD TALKni Pilar Mateo ISA pang Papin, na tumatakbo naman sa ikatlong Distrito ng CamSur …

Leave a Reply