Bike sumemplang kelot na kusinero nabagok

PATAY ang isang 30-anyos lasing na kusinero nang mabagok ang ulo makaraan sumemplang ang

sinasakyang bisikleta sa Binondo, Maynila kamakalawa.

Binawian nang buhay habang isinusugod sa Justice Jose Abad Santos Hospital ang biktimang

si Jaime Daguplo, kusinero ng Crown Prince Hotel, at residente ng #817 Parola Street,

Tondo. Sa imbestigasyon ni PO2 Dennis Turla ng Manila Police District Homicide Section,

dakong 1 a.m. nang maganap ang insidente sa San Vicente Street malapit sa Quintin Paredes

Street sa Binondo.

Napag-alaman, dahil lasing ay pinigilan ng mga kainoman ang biktima na sumakay sa

bisikleta ngunit hindi napigilan.

Pagsapit ng biktima sa nabanggit na lugar, sumemplang ang bisikleta kaya nabagok ang ulo

ng kusinero. (LEONARD BASILIO – may kasamang ulat ni John Bryan Ulanday)