Wednesday , July 17 2024

Ratings ng Pure Love umariba (Tambalan Arjo at Alex umaarangkada)

Maganda ang naitalang ratings ng pinakabagong romantic-drama series ng ABS-CBN na Pure Love sa pilot week nito. Kaugnay nito, isa na namang bago at kakaibang love story at love team ang pumatok sa masang Pilipino.

Bago ang airing ng nasabing primetime series, aminado si Arjo Atayde na nakaramdam siya ng matinding kaba at pressure dahil bukod sa mataas ang expectation sa kanilang performance at unang beses lang nilang magkasama ni Ms. Alex Gonzaga.

“Nakagugulat na nag-primetime kami,” ani Arjo. “Originally kasi, sa hapon dapat, e tapos biglang… uy, primetime!”

Natutuwa nga raw siya na kahit bago lang ang samahan nila ni Alex ay marami agad silang tagasuporta. At karamihan sa ay pabor daw na mauwi sa totohanan ang tambalan nila.

“Merong ArLex Lovers. May Team ArLex.

“Nagulat ako na alam nilang may gusto ako kay Alex. Ang daming nagtu-tweet.”

Tungkol naman sa pagliligaw niya Kay Alex ,

“I just became vocal for the first time,” pagtukoy sa kanyang ginawang pag-amin kamakailan na type nga niya si Alex.

“Kasi ang dami na rin ngang nagtatanong talaga no’ng presscon ng Pure Love. E may sakit ako no’ng araw na ‘yon.

“Alam mo ‘yong feeling na may lagnat ka tapos wala kang pakialam na… sabihin ko na nga ang totoo?

“And there’s nothing to be awkward about naman matapos akong umamin.

“First of all, napakabait na tao ni Alex. Se-cond, what I’m telling people is true naman.

“Di ba? So… ano pang ikahihiya ko? Iyon lang naman ‘yon, e.”

Base sa kanyang obserbasyon, ano ang naging effect kay Alex ng pag-amin niya?

“Wala naman po. Uhm… mas naging close pa kami.

“But not in a romantic way. Of course I’m just getting to know her, as I said.

“Getting to know lang talaga.”

May iba pang nagkakagusto kay Alex. Nakararamdam ba siya ng selos kaugnay nito?

“Hindi naman po. Siguro kapag nakita kong magkasama sila, magseselos ako!” sabay ngiti ulit ni Arjo.

“Pero wala naman akong karapatan. I’ve told you, whatever her decision is.

“If she dates other guys and hindi siya ma-ging open sa akin, I’ll respect it. No problem sa akin.”

What if sabihin sa ni Alex na hanggang friends lang talaga sila, ano ang kanyang mararamdaman?

“Mahi-hurt. Pero of course, as I’ve said… again, you have to respect whatever her decision is.”

Sobrang supportive kay Arjo ang mommy ni-yang si Sylvia Sanchez. Tinutukso na nga na stage mom dahil kung minsan ay nakabuntot sa kanya.

Hindi kaya dumating sa point na tumulong din siya sa panunuyo kay Alex?

“Hindi naman po. My lovelife is my lovelife, of course.

“The only thing that my mom is asking… is sana respectful ‘yong babae. Gano’n naman ‘yon, e.

“Kasi hindi naman siya ang pipili para sa akin kung sino ang pakakasalan ko in the future.

“Kasi super-stage mom siya!” natawang pagbibiro ni Arjo.

“Feeling lang niya na hindi siya stage mom. Pero gano’n siya.

“Kapag may schedule ako, parang mas gusto niyang umalis at pumunta doon bago pa ako, e!” tawa niya ulit.

“Of course my parents knows naman na I’m getting older. And it’s a personal relationship that I have with other people.

“I will tell my whole family everything but not my personal life. Kasi personal nga, e.”

Bagaman aminado na may gusto siya kay Alex, hindi pa raw naman siya nagsisimulang manligaw sa aktres. “Mas maganda kasi na we get to know each other first. Mahirap naman kasing biglain, di ba? At saka do’n sa work muna namin bilang love team dito sa Pure Love ako dapat mag-focus.Kasi first lead role ito ni Alex sa ABS-CBN. So kailangang niya ng hundred percent na suporta. Hindi lang ako, kundi kaming lahat sa cast, todo ang ibinibigay naming support sa kanya.” May mga nagdududa rin na baka raw gimik lang ‘yong sinasabing pagkagusto niya kay Alex para maging maingay ang binubuong loveteam nila. “Hindi po gimik. Crush ko na si Alex dati pa,” mariing nasabi ni Arjo.

Jimmy Salgado

About Jimmy Salgado

Check Also

Titus Low

Videos ni Titus Low pinagkakaguluhan ng mga beki

HATAWANni Ed de Leon NAGMUKHANG laos ang mga bagong BL films at BL internet series …

Barbie Forteza

Barbie dapat mabigyan ng magandang project

HATAWANni Ed de Leon NAGPUNTA kami sa isang malaking mall noong isang araw dahil may …

Priscilla tinapos relasyon kay John

HATAWANni Ed de Leon MUKHANG tinuldukan na nga ng modelo at international beauty queen na …

Vilma Santos

Nominasyon ni Vilma bilang National Artist haharangin daw

HATAWANni Ed de Leon MAY isa kaming kaibigan na nagsabing ano raw kaya ang magiging …

50th MMFF

Vic, Piolo, Vice movies pasok sa first batch ng 50th MMFF

MARICRIS VALDEZ INANUNSIYO na ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Film Festival (MMFF) chairman na si Don …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *