Friday , April 26 2024

Aljur, lilipat ng Kapamilya para gawin ang Captain Barbell

072514 Aljur Abrenica kamote
ni Alex Brosas

MAYROONG rumors kung bakit gusto nang layasan ni Aljur Abrenica ang GMA-7—para makalipat sa ABS-CBN at magbida sa Captain Barbell.

Although he said na wala pa siyang ini-entertain na network and no negotiations have been done para sa kanyang paglipat, mayroong chikang siya ang kinukuha ng Dos para gampanan ang Captain Barbell. Matuloy kaya siya?

Very revealing ang statement ni Aljur. Sinabi niyang there was a time na mayroon siyang sakit pero tuloy pa rin ang taping niya. Parang hindi naman makatao ‘yon ‘di ba?

Ano kaya ang say dito ng GMA?

Kung true, aba, hindi na makatao ‘yan,  wala nang puso ‘yan. Imagine, pagtatrabahuhin ka kahit na wala sa kondisyon ang katawan mo.

We also read na gustong gawing sexy ang packaging kay Aljur ng network. Tila nabastusan siya sa suggested title ng kanyang album, angNota.

Batikos ang inaabot ng binata ngayon sa social media. He was called names, una na rito ay ingrato.

Siyempre nga naman, Malaki ang utang na loob niya dapat sa Siete pero ano ang kanyang ginawa?

Anyway, hindi naman kawalan si Aljur sa Siete. Unang-una, bano pa rin siyang umarte, hamonado pa rin siya. Hindi pa niya kayang makipagsabayan sa mga batikang artista. Ang chika ng headwriter ng Siete na si Suzette Doctolero, ayaw daw nitong mag-acting workshop.

“Ahhh, tama nga ang sinabi ni Binoy sa iyo. Isa kang lalaking walang bayag. Haha affected lang. Of all people naman, o. Isa ka sa paborito, e. Naman, o. Wala ka namang talent (ayaw mo mag-workshop ‘di ba? Kaya tanga umarte). Affected talaga hahahaha,” post ni Suzette saFacebook.

About hataw tabloid

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *